Paninindigan
Ng mga ulan’t bagyo, mga alon sa’ting paninindigan,
Halik ng kamalasan kahit minsa’y nakakalapit,
Di ’to matitinag kahit mukha’y kaakit-akit.
Kasama ang mga pangarap at kasipagang tunay.
Tamang edukasyon at mga aral pinamulat,
Hindi lang para sa’kin, sayo pero sa lahat.
Minsan sa buhay ito ay nakakasama,
Lalo na hindi ka marunong makinig at madaling humusga.
Paninindigan na naging mapagmataas at makasarili,
Na walang sinasanto araw man o gabi.
Maging sino ka man at anong estado,
Basta’t paninindigan ay progressibo’t hindi negatibo,
Na naaayon sa kabutihan ng karamihan,
Siguradong ikaw’y malaya at mabuhay na may kasiyahan.
Pero pagusapan natin pare tayo’y magkaisa.
Alam ko dito, tayo ay may isang adhikain,
Mapagbuklod, isang mundo na maligaya’t matulungin,
“Isang Paninindigan”
@redspider