@STEEMIT: BIRINGAN - UTOPIAN CITY SA PINAS


Photo Source: https://theintelroom.blogspot.com/2017/04/gma-news-team-found-biringan-city-must.html

Taong 1983, hango sa kwento ng isang nagngangalang Jenny, may naging kaklase daw sila sa Manila na nangngangalang Carolina na galing sa Biringan City, Samar. Siya daw ay napakaganda, matalino at mayaman. Nang dumating ang bakasyon ay nagyaya daw ito sa kanila na sumama sa kanya sa Samar at sagot na niya ang pamasahe nila papunta doon at pabalik ng Manila. Tatlo sa kakaklase nila ang sumama at hindi na nakabalik kailan man. Hinanap ng kanikanilang pamilya ang tatlong magkakaibigan sa Samar ngunit wala namang Biringan City doon.

Makalipas ang ilang taon, napanaginipan ng kapatid ng isa sa tatlong magkakaibigang nawala ang kanyang ate at sabi ay masaya daw itong naninirahan sa Biringan at may pamilya na ito doon. Ang pamilya naman ng isa din sa nawala ay nakatanggap ng sulat mula sa Biringan na nagsasabing masaya din daw itong namumuhay doon at napakayaman at napakaganda daw ng buhay nila doon.

Sinasabing si Carolina ang Reyna nang Biringan City, ang syudad na hindi mahanap, ang syudad na umano ay tirahan ng mga engkanto.

Sinasabing ang Biringan City ay sakop ng Pagsanghan sa Samar. Ito ay nawawala at nagpapakita lamang kung kelan at kung kanino neto gusto. A mythical city na pinaniniwalaang totoo pagkat kung itoy bunga ng mga hallucinations lamang ay sana matagal ng namatay ang kwento neto ngunit magpahanggang ngayon ay patuloy ang mga insedente at kwentong umuugnay sa mahiwagang syudad na ito.

Ang Biringan ay nangangahugang “ Black City”, or “City of the Unknown “ sa Waray vernacular. Tirahan ito ng mga shapechangers na engkanto na pwedeng mag anyong tao. Ngunit makikilala daw sila sapagkat wala silang “philtrum” or yong parang kanal sa pagitan ng ilong at bibig gaya ng sa tao.

Ayon sa kwento ng mga taga Samar maraming insidenti ang nagpapatooong nag eexist ang Biringan, minsan sa isang bway ay may mga cargos at deliveries na dumadating galing Maynila at Cebu at minsan pa ay galing abroad na naka address sa Biringan City. Bayad na ang mga iyon at kadalasan ang pangalang nakasaad kung kanino ededeliver ay yaong sa mga namatay na.

Meron din daw isang cargo ship na nagdeliver sa Biringan, alas 7:00 ng gabi sila dumating gaya ng instruction ng order at napahanga sila sa ganda ng lugar at sa mga infrastructure na nandun. Maganda daw ang paligid at mga kalsada. Magaganda at mayayaman ang mga taong naninirahan duon. Matapos maibaba lahat ng deliveries ay nakatulog daw sila at pagkagising ay wala na duon ang nasabing lugar at napalitan na ng mga malalaking puno.

Sinasabing ilang mangingisda at mga taga samar ang nawawala at umanoy kinukuha ng mga engkanto at dinadala sa Biringan. Ang mga enkanto din na naninirahan duon ang sinasabing dahilan ng mga demon possessions na nangyayari sa Samar. Lalo na sa mga umanoy nagsabi na nakita nila ang Biringan bago sila masaniban.

Late 80’s through 90’s , ang Japanese International Corporation Agency (JICA ) ay nag venture ng rural development sa San Jorge na sinasabing sakop ng teritoryo ng Biringan. Unang dahilan kaya nag venture ang JICA duon ay dahil sa kinang na nahagip sa satelite pictures na pinaniniwalaan nilang merong uranium at gold sa lupain na yun. Naghakot sila ng machineries at equipment duon ngunit wala silang nahanap at sa kalaunan ay tinigil nila dahil sa mga misteryosong pangyayari na magdudulot ng bankruptcy sa kanilang kompanya kung hindi nila ititigil ang proyekto nila duon. Sa paniniwala naman ng mga taga Samar ay ang mga engkanto ng Biringan ang pumoprotekta sa kanilang teritoryo.

Taong 2006 ng e feature ang kwento ng Biringan sa Mel and Joey at mula nuon ay mas maraming kwento ang nagsilabasan na umanoy nagpapatotoo sa mahiwagang syudad ng Biringan.

Gusto niyo ba marating ang Biringan? Tara!

Sources : philurbanlegends, says.com

                         -FIN-

If you like my post, don't forget to follow me at @lapaer06.

Rafael
Mayorga Philippines
March 10, 2018

Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group (STEEMITDIVERSIFY) and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Others that are good: @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @henry-grant and @paradise-found, also the many others who have visited My posts. Pls. support them too. Thank you very much.

LAPAER01.jpg

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center