This Poem is written in Tag-alog and this is in connection from my last post entitled #Women as a #Mother, the Most Valuable Gem– Steemit. See link for details, https://steemit.com/steemitdiversify/@lapaer06/women-as-a-mother-the-most-valuable-gem-steemit
Image Source: Mr. Google
Ang araw na to ang pinakahihintay ko
Araw na masasabi ko na sayo ang matagal ng gustong ilabas ng labi ko
Ang araw na ito ay para sayo Ma,
Para sa ating dalawa.
Para sa mga panahong nasayang na hindi ko binitawan ang mga salitang Mahal Kita
Ang dami kong pagkakataon nun para suklian ka
Maraming hawak ang aking mga kamay
Ngunit sarado ito pag ikaw na.
Mas inuuna ko pa ang mga bagay na gusto ko
Kaysa sa mga bagay na kailangan mo
Na kung tutuusin ay di naman ako magkakaroon ng ganto kung d dahil sayo
Patawarin mo ko..
Dahil nung kailangan mo ng tulong ko
Sigaw at hiyaw lang ag binigay ko.
Ngunit parang hindi ka nasasakatan sa mga ginagawa ko
“Pasensya na anak, I LOVE YOU”
Yun ang laging sambit mo
Pero ako nung mga panahong iyo iba ang nais kung isagot sayo.
Sa labis na inis at galit ngunit tinikom ko ang bibig ko
Sinayang ko, sinayang ko ang panahon na humingi ng tawad pabalik sayo.
Saba’y sana ang pagbanggit ng “Mahal din kita” higit pa sa alam mo
Nung binata ako, ang dami ko na sanang oras para makasama mo
Pero mas pinipilit kong makasama ang barkada ko
Mas iniisip ko ang saya at kalokohan kaysa sa pag aalala mo .
Bilin mo pa nun “Wag kang iinom anak hah?” I LOVE YOU
Pero binalewala ko
Tinalikuran kita at di na muling liningon pa
Kahit alam kung sa pagbalik ko nag aantay ka.
Pilit na linalabanan ang antok
Umabot man ako ng ala una
Ang importante ay ligtas ako
At dun ay masaya kana
Patawarin mo ko
Dahil sa panahon na pinaramdam mo sakin ang pagmamahal mo
Tumalikod lang ako
Nasayang ang pagkakataon na sana humarap ako sayo
Binitawan kung mga salita pinagpalit ko
Dahil iniisip ko lamang ang kasiyahan ko
Kaligayan na laging inuuna mo
Kahit may gusto ka para sa sarili mo
Naalala ko pa nung sampung taong gulang ako
Gustong gusto ko yung damit na superhero
Pinilit mong bilhin ito
Kahit ang damit na gustong gusto mo ang dapat paglalaanan mo
Inabot mo ito saba’y sabing “Ingatan mo to hah?” I LOVE YOU
At yun pala yung huling beses na sumagot ako ng I LOVE YOU TOO
Superhero, superhero na damit ang gusto ko
Pero di ko napagtanto na ang tunay na superhero ay yung taong nasa tabi ko.
Humihiling ako ng bagay na sakin ay magpapasaya
Yun pala matagal ng nandito ka
Pero panahon na para bumawi sayo
Kahit d mo na to Makita dahil ipinikit mo na ang mga mata mo.
Mananatili ako sa tabi mo
Paulit-ulit na sasambitin na ”MAHAL KITA”
Dahil alam ko,
Naririnig mo
Image Source: Mr. Google
As long as I am with steem, I can do this things. With Steem community, I find friends. With Steem Community I found Hope. And with Steem Community, everything is possible.
If you like my post, don't forget to follow me at @lapaer06.
Rafael
Mayorga Philippines
February 20, 2018
Our mentor @surpassinggoogle has been very supportive of our group (STEEMITDIVERSIFY) and other groups too. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Others that are good: @beanz, @teamsteem, @good-karma, @busy.org, @esteemapp, @hr1, @arcange @bayanihan, @acidyo, @anomadsoul, @steemitph, @henry-grant and @paradise-found, also the many others who have visited My posts. Pls. support them too. Thank you very much.