TagalogSerye X: Unang Bahagi ng Unang Pangkat

U5du5vbXn7yCU8JidP6HXaMYytKkU1H_1680x8400.jpg

Tatlong mahihinang katok ang ginawa ni Aling Marta sa pintuan ng kwarto ng panganay na anak na si Vince. Tila malapit nang agawin sa kaniya ang kaniyang katinuan dahil sa mga pangyayari. Ni hindi niya lubos na akalaing ang lahat ng ito’y mangyayari sa kanilang buhay. Gusto niyang mabaliw sa tuwing inuusig siya ng kaniyang konsensya dahil sa maling desisyong kaniyang pinili.

Habang nakakuyom ang kamay sa door knob ng pinto ay siya ring pagbagsak ng luhang kanina pang gustong kumawala mula sa mga mata ni Aling Marta. Sa pagpihit niya sa door knob ay kakaibang kaba ang biglang bumalot sa kabuuan niya. Isang malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa kaniya sa pagbukas ng pinto sa kwarto ng panganay na anak kasabay ang labis na pagkatulala dahil sa tumambad sa harapan niya.

Dalawang Araw Bago ang Pangyayari...


“Bakit mo isusuplong si Val? Nababaliw ka na ba ha, Marta!” bulyaw ni Tonyo nang malaman ang iniisp ng asawa.

“Isipin mo na lang kung anong mangyayari kung si Vince ang mabubulok sa kulungan. Alam kong mali, pero mas nakabubuting si Val na lang ang makukulong dahil mas may pag-asa pa naman si Vince kaysa sa kaniya. Dadalawin na lang natin siya sa kulungan,” naluluhang pangatwiran niya.

“Sana lang hindi tayo magsisi sa desisyong ito, Marta.”

Lalong naninikip ang kaniyang puso sa tuwing naaalala ang nangyari sa kaniyang dalawang anak. Si Vince na sumalo ng lahat ng kaniyang walang kapantay na pagmamahal at pag-aaruga ay matagal na palang nalulong sa ipinagbabawal na gamot at kamakailan lang niya iyon nalaman. At ang bunsong anak na si Val na pinagkaitan niya ng pagmamahal dahil sa hindi ito normal.

sad-2635043_1280.jpg

Higit na mahal ni Aling Marta si Vince dahil sa pag-aakalang ito ang mag-aahon sa kanila mula sa kahirapan. Si Val naman ay may kakulangan sa pag-iisip kaya tanggap na ni Aling Marta na wala siyang aasahan dito. Sinto-sinto, abnormal, baliw, ika nga ng mga kapit-bahay nila. Bagama’t ganoon ang bunsong anak ay hindi naman ito nakapupurwesyo sa iba. Sa katunayan nga’y ito ang inuutos-utusan ng mga kapit-bahay nila sa pag-iigib ng tubig o pagpapabuhat ng mga pinamili sa palengke.

“Nay, patawarin n’yo po ako. Nagkamali po ako...” Bakas sa mukha ni Vince ang labis na pagsisi.

Kinakain na rin siya ng kaniyang konsensya nang malamang kaya siya lumaya sa presinto ay dahil si Val ang isinuplong ng kanilang ina. Ito raw ang tunay na may-ari ng mga pakete ng bawal na gamot na nakita ng mga pulis sa kuwarto ng magkapatid.

addict-2713526_1280.jpg

Ni-raid ang kanilang kapit-bahay na nagtutulak ng druga at nasama sa pag-raid kanilang bahay dahil sobrang magkalapit lang ang mga bahay nila. Noon nga ay nakita ang limang pakete ng shabu sa kuwarto nina Vince. Natutulog nang oras na iyon si Vince kaya siya agad ang pinagbentangan na gumagamit n’on.

Ngunit hindi pa man natapos ang isang araw ay pinalaya na siya sa kulungan dahil isinuplong ng kaniyang ina ang kaniyang kapatid na ‘di umano’y ang tunay na gumagamit ng druga.

Screenshot_2018-08-23-16-48-32-1.png

“N-Nay, bakit po ako nandito?” inosenteng tanong ni Val nang bisitahin siya ng ina sa kulungan.

Nanikip ang dibdib ni Aling Marta sa narinig. Hindi niya alam ang isasagot sa anak. Tanging pagtikom ng bibig ang kaniyang nagawa.

“Nay, binugbog po nila ako kanina. Ayoko na po rito, Itay…” tila batang sumbong sa kanila ng bente-uno anyos na anak.

“Patawarin mo kami, Anak…” Hindi na nagpaawat ang luha ni Tonyo lalo na nang makita ang mga pasa sa katawan pati na rin ang labi nitong pumutok.

“Kuya, ayoko po rito…” pagmamakaawa pa nito sa nakatatandang kapatid.

Hindi makatingin si Vince sa kapatid. Gusto niyang umamin na siya ang tunay na gumagamit ng druga at inosente ang kapatid niya. Pero marami siyang kinatatakutan. Ayaw niyang mabulok sa kulungan. Ayaw niyang iwanan ng kaniyang kasintahan kapag nalaman nitong gumagamit siya ng bawal na gamot. Ayaw niya mabugbog gaya ng ginawa ng mga preso sa kapatid niya.

Napakuyom na lang siya sa kamao dahil sa labis na pagsisisi. Bigla na lamang siyang napabalik-tanaw sa nakaraan. Kung paano niya ipagtanggol ang kaniyang kapatid sa lahat ng nanunukso at nanloloko rito, kung gaano siya kabuting anak, at kung paano nagsimula ang pagkasira ng kaniyang buhay dahil sa pagtikim ng ipinagbabawal na gamot.

Itutuloy...

@mrnightmare89, pasok. Siya na po ang bahalang mag-ayos ng sabaw na panimula. 😅

Muli, soooorrrry at lagi na lang akong delay sa pagpo-post. 😓😓

Bilang ng mga Salita:
702

Prompts

Tema: Inspirational Drama

Mga Elemento na kailangang makita sa kwento:

  • Dilemma ng mag-asawa

  • Pangaral ng magulang sa mga bata (quote or proverb na bibitawan at ipapaliwanag sa kwento)

  • May mangyayari sa isa sa mga anak nila na magiging turning point ng kanilang buhay

Tragic ending

Mga Kasali:

Unang grupo:

Miyerkukes - @jemzem
Huwebes - @mrnightmare89
Biyernes - @blessedsteemer
Sabado - @twotripleow[DeShawn Tragnetti]

Ikalawang grupo:

Miyerkules - @czera
Huwebes - @iyanpol12
Biyernes - @BeyondDisability
Sabado - @oscargabat

7.png

pinagkunan ng larawan: 1, 2, 3, 4
H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center