TAGALOG SERYE X: Ikalawang Bahagi ng Ikalawang Pangkat

Ang nakaraan...
Iisa lang ang maaring iligtas ng mag-asawa dahil kapag sumobra sa isa ay lulubog na ang bangka..
Napakalakas ng alon, unti unti ng nilalamon ng dagat ang bangka, kailangan na nilang magdesisyon.


Mula kay @tagalogtrail.

"Mahal, nalalagyan na ng tubig ang ating bangka. Lulubog tayong lahat kapag sasakay tayong lahat. Mahal, ikaw na bahala sa mga anak natin ha. Mahal na mahal na mahal ko kayo" sambit ni Oca sa kaniyang asawa habang hawak-hawak ang kamay nito.

"Anong sinasabi mo? Maliligtas tayong lahat mahal! Gawan natin ng paraan to! Mahal!" sigaw ni Vita sa kanyang asawa na tila nangingig sa mga narinig at sa lamig ng lakas ng hangin.

Sa kabilang dako...

Nag-aayos ng mga gamit si Raprap dahil siya ay uuwi sa kanila. Sosorpresahin niya ang kaniyang mga magulang dahil nais niyang makabawi sa kanila. Di kasi siya nakapunta sa anibersaryo ng kasal ng kaniyang mga magulang anim na araw ang nakaraan. Iskolar kasi si Raprap sa UP-Diliman. Madalang siya makauwi, at pagkakataon sana na magkasama-sama silang mag-anak sa anibersaryo ng kaniyang mga magulang. Kaya sa kagustuhang makabawi, siya ay bumili ng mamahaling regalo para sa kaniyang mga magulang. Binilhan niya sila ng Cartier na relo, tig-isa sila, dahil naibenta ng mag-asawa ang kanilang lumang Cartier na relo noong naospital si Ineng. Matalino at masipag na bata si Raprap. Maliban sa pag-aaral, siya din ay nagtatrabaho sa isang call center para masuportahan ang sarili.

Habang nag-aayos si Raprap, ay nahulog ang larawan ng kaniyang ama na nakasuksuk sa kuwaderno nito. Naalala niya ang kaniyang mahal na ama at naalala ang pag-uusap nila noong nakaraang linggo, isang araw bago ang anibersaryo sa kasal ni Oca at Vita.

*Nakaraang Linggo

Riiinnnggg... Ringggg... Ringgg....

Tatlong beses nag-ring ang selpon ni Raprap bago ito nasagot.

"Hello Tay!" pagkasagot ni Raprap sa selpon.

"Hello, anak! Musta ka na diyan?" pangungumusta ni Oca sa anak.

"Okay naman Tay. Oo nga pala Tay. Mahihirapan po akong makauwi bukas sa anibersaryo niyo ni Inay. Kasi may kailangan pong tapusin sa trabaho, at meron pang ipapasang proyekto sa eskwelahan. Babawi po ako sa inyo itay. Huwag po kayo mag-alala." pagpapaliwanag ni Raprap sa anak.

"Ganun ba anak? Sayang naman anak. Naghanda kami ng inay niyo. Di natin kasi alam baka huling pagkakataon na itong magkakasama tayo. Baka di ko na kayo makita." tila parang pagpapaalam ni Oca sa kaniyang ama.

"Itay naman. Ano ba 'yang sinasabi niyo? Magsasama pa tayo ng matagal. Mahaba pa buhay niyo. Maaabot pa natin mga pangarap natin para sa pamilya natin. Gusto ko, kayo ang aakyat at mag-aabot ng aking diploma sa aking pagkatapos." sagot na may pangamba ni Raprap.

"Di natin masasabi anak. Pero sige. Hangga't kaya, lalaban tayo. Aabotin natin mga pangarap natin. Pero sana, anuman ang mangyari, alagaan mo mga kapatid mo at ang iyong inay ha."

"Alam niyo itay, di ko gusto mga ganyang usapan eh. Tawag na lang po ako sa inyo ulit. Mahal na mahal ko po kayo. Pakumusta po kay inay, pati kay Pol at Ineng. Happy Anniversary po."

"Sige anak. Bye."

"Sige po itay."

Yun ang huling pagkakataon na nagkausap ang mag-ama dahil hindi pa nakatawag ulit si Raprap.

Sa kasalukuyan...

Habang pinagmamasdan ni Raprap ang nahulog na larawan ng kaniyang ama, siya ay basta na lamang na naluha. Di niya maipaliwanag kung bakit. Pero tila ang bigat bigat ng kaniyang saloobin. Marahil sa tingin niya ay ang huling usapan ng kanilang mag-ama, ngunit may iba talaga siyang nararamdaman. Dahil sa mga luha na tumulo, kumuha siya ng tisyu at pinunasan ang mga mata, maging ang sipon na tumulo na rin mula sa kaniyang ilong.

Sa dagat...

"Hindi na kaya ng bangka mahal. Mauubusan na tayo ng oras. Iyong mga bilin ko ha. Mahal na mahal kita. Paalam.
" pagpapaalam ni Oca kay Vita na iyak ng iyak.

At nagwalay na nga ang kanilang mga kamay, at tumalon si Oca sa dagat para iligtas ang kaniyang dalawang anak.

Kampante sa paglangoy si Oca. Magaling siya kasing lumangoy na parang si Michael Phelps. Biruin mong lagi niya palang natatalo dati sa mga patimpalak nung kabataan nila si Eric Buhain.

Naabot ni Oca ang kaniyang mga mahal na anak, habang hawak-hawak ang mga ito kasabay ang paglangoy,

"Mahal na mahal ko kayo mga anak ko! Pasensya na sa aking mga pagkukulang!"

Hawak na hawak si Pol sa kanyang ama, samantalang si Ineng ay wala ng malay. Nang makaabot sila sa bangka, agad-agad naman na sinalo at tinulungan ang kaniyang mga anak. Unang kinuha si Pol dahil may malay pa ito samantala si Ineng naman ay walang malay. Sumakay pa sa bangka si Oca pero medyo di na talaga kaya, ito ay gumigiwang. Sinwitch lang niya ang makina ng bangka, at hinalikan ang mga anak. Pagkatapos ay hinalikan ang asawa, at ito ay tumalon sa tubig. Mangiyak ngiyak si Vita pero wala siyang magawa kundi ay i-maneobra ang bangka para maligtas ang mga anak. Pinilit lumangoy ni Oca na sumusunod sa bangka ngunit, sa sobrang lakas ng alon ay nilamon na ito ng tubig at nalunod ito.

steemit-border

Wang... Wang... Wang... (tunog ng ambulansya)

Habang nasa ospital at tulak tulak ang mga higaan ng dalawang anak, nag-iiyak pa din si Vita.

"Kaya niyo yan mga anak. Panginoon, iligtas niyo po ang aking mga anak!"

Dinala sa emergency room ang dalawang bata, at di na din pinapasok si Vita.

steemit-border

Si Raprap naman ay excited ng makauwi, at ito ay nakasakay na sa bus dala-dala ang regalo sa magulang at mga pasalubong para sa mga kapatid. Biglang tumunog ang kanyang selpon, at dali-dali itong sinagot.

"Anak" mangiyak-ngiyak na boses ni Vita.

"Inay. Bakit ganyan boses niyo? Ano po nangyari?" tanong ni Raprap na nag-aalala sa narinig.

"Anak, ang itay mo. Wala na si itay mo. Nalunod siya sa dagat!"

Tila natabunan ng napakalaking ulap si Raprap sa narinig niya, at ito ay di na nakapagsalita. Umagos ang mga luha na parang buhos ng ulan.

"Andito kami sa ospital ngayon anak, sumunod ka dito sa Blessed Genaro Carillo Hospital. Dito ko na lang iki-kwento kung ano nangyari.

steemit-border

Hindi na rin alam ni Vita kung ano talaga nangyari sa kaniyang asawa. Naireport niya ito sa mga awtoridad na pumunta naman sa dagat para hanapin si Oca, at natagpuhan na lang nila ang bangkay nito. Ito ay dinala sa morge na kaniyang pagmamay-ari dati.

Sa hospital...

"Kumusta na po mga anak ko doc?" tanong ni Vita

"May magandang balita sa isang anak niyo. Okay na ang kalagayan niya, at pwede na rin siyang ilabas sa hospital bukas. Pero kinakalungkot kung sabihin, ang babaeng anak niyo naman ay malubha ang kalagayan at kelangan itong bantayan kaya nasa ICU pa siya. Nagkaroon kasi siya ng acute respiratory distress syndrome dahil sa dami ng tubig na nainom, at umabot pa mismo sa mga baga niya. Sa ngayon, inoobserbahan pa namin siya, at bigyan po namin kayo ng update" pagpapaliwanag ng doktor.

"Okay po dok" sagot ni Vita na wala ng magawa kundi umiyak ng umiyak sa sinapit ng kaniyang asawa at mga anak.

steemit-border

Dumating naman si Raprap sa hospital na parang wala sa sarili. Sinalubong ito ng ina at niyakap at biglang silang napahagulgol. Kinwento ni Vita ang mga nangyari, at wala na lang nagawa si Raprap kundi umiyak.

Si Vita ay nasa labas ng ICU na paminsan-minsan ay pumapasok ito. Samantala si Raprap ay nasa ward habang binabantayan si Pol.

Masama ang loob ni Raprap sa mga nangyari. Una, sa kaniyang sarili dahil hindi ito nakapunta sa anibersaryo ng kasal ng kaniyang mga magulang. Pangalawa, may galit ito kay Pol dahil sinisisi niya ito.

Nang magkaroon na malay si Pol.

"Kuya"

"Nagising ka pa. Alam mo bang namatay si itay dahil sa iyo? Alam mong bulag si Ineng, at hindi ka marunong lumangoy, bakit mo siya dinala sa dagat?" sabi ni Raprap na hinawakan ng mahigpit ang braso ni Pol sa galit.

"Sorry po kuya! Di ko po sinasadya! Sorry po!" sagot ni Pol na umiiyak dahil sa bigat ng loob at sakit ng pagkakahawak ng kuya sa braso niya.

Naabotan naman sila ni Vita.

"Tama na yan! Ang dami-dami na natin problema dadagdagan niyo pa!" sigaw ni Vita sa magkapatid.

Bumigat ang dibdib ni Vita, at ito ay nawalan ng malay.

steemit-border

Ano ang mangyayari kay Vita? Aba, bahala na si manong Oca este @oscargabat sa susunod. Ay teka, mali pala. Edit edit, si boss @beyonddisablity pala. Hehe.

steemit-border

Bilang ng mga salita: 1,300 mahigit (napahaba eh).

steemit-border


Please support @surpassinggoogle as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.

You can also give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Please support his project as well, which is @teardrops Smart Media Token.


Do support @steemph, @bayanihan, and @sawasdeethailand curation teams. Huge thanks to sir @bobbylee, and @hr1.

steemit-border

Do you use eSteem?
eSteem is a Mobile📱& PC💻 app. for Steem with great features. Also, you get Incentives posting through eSteem apps.

eSteem Spotlight; eSteem provides rewards for it top users in Leader Board with most Posts, Comments and Highest Earners.

Download eSteem for your Mobile📱
Android devices Google Play Store
IOS devices Apple Store

Download eSteem Surfer for your PC💻
Available for all OS Github


Join eSteem Discord https://discord.gg/UrTnddT

Join eSteem Telegram http://t.me/esteemapp

steemit-border

Please vote
for @good-karma as a witness.

steemit-border

image
image
image
IYANPOL12 (1).gif
iyan-1.png

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center