Filipino Fiction : Tagalog Serye XI : Huling Bahagi ng Unang Pangkat | "Dinuguan" (super extra long overdue)

TSerye.jpg

Nakaraan...

"Imeng, nandito na ako!" sambit ng dalaga sa kakambal.
Pagkapasok niya sa kwebang nagsisilbing tahanan ng kapatid, nabitawan niya ang mga kamoteng kaniyang bitbit upang magsilbing kanilang hapunan!

Nakita nya si Imeng kaharap ang isang walang malay na sundalo. Duguan at bakas
ang pagpapahirap. Tinanong nya si Imeng kung ano ang kanyang mga ginawa.

"Binigay ko lang kung ano ang nararapat sa kanya", tugon ni Imeng.

Lumapit si Ineng para silayan ang lalaking punong-puno ng dugo,
namangha sya sa imahe ng sundalo.

"Isang magandang likhang sining", aniya.

Kinuha ni Imeng ang nahulog na kamote at tinikman, gutom na gutom sya at naubos
ang mga ito, hindi pa nakontento at nang makita nya ang mga bahagi ng katawan ng sundalo, tila may kung anong ala-ala ang sumagi sa kanyang isipan...

Tandang tanda ni Imeng kung paano sya natuto na kumain ng tao. Noong mga panahon na halos wala na silang makain ng kanyang kapatid pagkamatay ng kanilang ina dahil pinabayaan sila ng kanilang ama. Hirap na hirap si Imeng at hindi nya alam kung paano bubuhayin ang kapatid na may sakit sa pagiisip. Tuwing may papatayin na sibilyan ay nakabang agad ang magkapatid sa maiiwang bangkay.

Buhat noon ay inakala ni Ineng na normal lamang ang pagkain ng tao hanggang sa dumating ang panahon na ibenta ng kanilang ama si Imeng sa mga prayle, matapos din nito ay saka lamang nakilala ni Franco si Cila.

Humiwa sila ng kapirasong laman neto sa tagiliran, hilaw. Ibat-iba ang lasa
ng bawat parte ng katawan ng bangkay ng lalaki.
Ang ibang parte ay niluto nila sa binuhay nilang apoy sa loob ng kanilang tahanan.

Takam na takam sila sa knilang pagkain. Naalala nila ang pagsasamahan nilang magkapatid. Hindi nila namalayan na halos wala ng balat ang lalaki at nauubos na ang laman nito.

"Ugh! Imeng. Busong na busog na ako. Hindi na ako makahinga." ani Ineng na tila nagbalik sa pagkasira ng isip. Para sa kanya, ibang-iba ang sarap ng tao kesa sa pangkaraniwang kinakain nila sa araw-araw.

Nabanggit ni ineng, na gusto nyang kainin ng buhay ang kanilang madrasta.
Matagal na syang nagtitimpi sa taong iyon. Dahil sa kanyang madrasta ay nanlamig
ang kanyang ama sa kanya at hindi na nag-init ulit sa kanya.

Napakiramdaman ng madrasta ni Ineng na nahuhumaling ang kanyang ama sa kanya kaya tinakot nito si frank na puputulin ang ari nya at ipagkakalat sa lahat kapag lumapit sya kay Ineng.

Gumawa rin ng tsismis ang madrasta ni Ineng sa kabayanan na may magtatalik na naganap sa pagitan ni Ineng at sa isang prayle noong pumunta sya sa simbahan para dalawin si Imeng. Agad itong pinaniwalaan ng kanyang ama kaya at tuluyan itong nanlamig kay Ineng at hindi na sya ginambala dahil narin sa takot ssa maaring gawin ng kanyang ikalawang asawa.

"Subukan mong lumapit kay Ineng, at makikita mo ang hinahanap mo!" pananakot si Cila kay Franko.
"Kahit na litong-lito pa rin ako sa itsura ng kambal mo, alam ko kung paano ang pagtitig mo sa kay Ineng!" Singhal ni Cila

Hindi lingid sa kanilang lugar ang sinapit ng kapatid ni Ineng na si Imeng sa pagkakalagi nito sa mga prayle. Dalawang beses sa isang buwan dumadalaw si ineng sa kapatid para kumustahin ito at nakikipagkwntuhan sa mga ginagawa ng bawat isa.

Natuwa si Imeng sa narinig sa kapatid at sumang ayon sa gusto nito.
gusto nilang lantakan ang kanilang madrasta ng buhay at sumisigaw para mas
espesyal.

Gagawin nila ang balak sa oras ng gabi pag ang lahat ng tao ay abala sa pagdadasal
Oras na wala ng tao na lalabas. Oras na ang tanging maririnig lang nila ay
alingawngaw ng isang babaeng ginagawang pulutan.

Inihanda nila ang mga sarili para sa plano nila.
Si Ineng ang nakatoka para lansingin ang ama para sumama sa kanya paalis ng bahay,
gusto rin ni Ineng na maranasan muli ang init ng kanyang ama na matagal ng hindi nangyayari.
si Imeng ang dudukot sa madrasta para dalhin sa sikreto nilang tahanan.

Gabi ng kanilang balak...

Sobrang nag-ayos ng sarili si Ineng para sa kanyang ama. Ramdan naman ng kanyang ama
ang intensyon ng dalaga sa pagtatagpo ng kanilang mga titig. Kahit nag-aalinlangan ang ama
ay sumunod sya kay Ineng sa labas habang taimtim na nagdadasal ang asawa nito.

Si Imeng ay nakaitim bitbit ang isang matigas na kahoy at lumabas sa likod ng kanilang
madrasta Nasa harap nya ang babaeng nagpahirap sa kapatid nya.
Dali-dali nya itong hinataw ng buong lakas na agad kinawalang malay ng madrasta.

Sobrang lakas ng Imeng at nahila nya ito sa lihim nilang tahanan, kagaya ng ginawa nya
sa kawawang sundalo, itinali nya ito ng mahigpit at tinanggalan ng mga damit at may
pansamantalang busal sa bibig. Hindi nya ito ginagalaw habang walang malay.

Samantala, sa isang madilim na parte ng likod bahay nang mag-ama na Ineng at Franko,
sinusunod nila parehong ang bugso ng knilang damdamin, ang init na dumadaloy sa kanilang
mga dugo na akala mo'y nagsasalubong kahit hindi pa nagdidikit ang knilang mga katawan.
Lumapit ang dalaga sa ama dala-dala ang balak na matagal ng kinikimkim sa pagkatao nya
buhat ng may unang may mangyari ang kanila.

Hindi na masyado nagpigil ang ama at agad na dinakma si Ineng.
Kahit na pakiramdan nito ay tila nasa langit sya sa sarap na kanyang nadarama, ay nananatili parin sa isip ni Ineng ang plano nilang magkapatid.
Agad nyang pinatapuos ang ama na makaraos at agad syang tumakbo paalis
para puntahan ang kapatid at kanyang madrasta. Inisip nya na pagtapos ng gabing ito ay maari na nilang gawin palagi ang pagtatalik sa pagitan ng kaniyang ama.

Matiyagang nag-hihintay si Imeng sa kanilang tahanan. Dumating si Ineng at saktong nagising ang knilang madrasta. Nagtataka sa kaniyang kalagayan, gustuhin man magsalita pero may sagabal sa knyang bibig.

Tinanggal ito ni Imeng at binati nang magiliw ang kanyang madrasta, "kumusta po kayo kunwari kong ina?" Sarkastikong wika nito.

"Ano'ng ibig sabihin nito?!" sagot ng madrasta "Bakit ako nakagapos?! Nasaan ako?!" dagdag niya.

"Mapalad po kayo dahil magiging bahagi kayo ng mahalagang gabi namin. Ikaw ang napili namin para maging lamang tiyan." malademonyong wika ni Ineng

Kahit naguguluhan sa naririnig sa magkapatid, alam ni Cila kung ano ang magiging kapalaran nya sa dalawa. Sa nakita nya sa paligid na bakas ng natuyong dugo, buto ng tao na wala pang ilang araw ang nilalagi sa lugar na 'yon.

Sumisigaw sya ng malakas at walang tigil, halos mapatid ang kanyang leeg subalit alam din nya sa sarili na walang pag-asa na may taong darating.

Narindi sa pagsigaw ng madrasta, tinusok sa leeg ni Ineng ang pangalawang ina gamit ang isang matulis na kawayan. Umagos sa leeg ng ina ang dugo at mautal-utal ito sa pagsasalita,

Sumigsigaaw na nagsalita si ineng, "dapat lang 'yan sa 'yo pakialamerang babae! Ikaw ang sampid sa aming buhay! Sagabal ka sa aming kaligayahan!"

Kinuha ni Imeng ang itak na matagal nakababad sa apoy na kanyang inihanda. nakaaakit ang kulay nito na parang isang papalubog na araw. Sinubukan ni Imeng na hiwain ang isang daliri sa paa ng knyang madrasta. Dahan-dahan niyang ikinayod ang nababagang itak hanggang sa naputol ang daliri ng walang kahirap hirap. Para isang malambot na keso sa sobrang talas ng itak.

Napaiyak ang madrasta subalit hindi nya magawang sumigaw dahil sa patuloy umaagos na dugo sa knyang leeg.

Walang awa sa mukha ng mga musmos na dalaga. Bakas sa knila ang pag kauhaw at pagkagutom.

Kinuha na rin ni Ineng ang isang lanseta na matagal ring nakakababad sa apoy, inumpisahan nyang hiwain ang kaliwang paa ng ina, sabay dila sa tagas ng dugo na pilit kumakawala sa bawat laslas ng patalim.

Nilalantakan ng dalawa ang ang magkabilang paa ng ina na pilit mang kumawala ay hindi magawa sa pagkakahigpit ng knyang pagkakatali.
Parang my fiesta sa oras na iyon sa ganang kumaen ng magkapatid. Naputol na ang hita, at nasa beywang na ang pagtabas sa laman ng
kawawang madrasta, walang kabusugan ang dalawa na animoy isang linggong hindi kumain.

Subalit my hindi inaasahang bisita...

Gulat na gulat si franc sa nasaksihan sa loob ng isang maliit na espasyong my liwanag galing sa masiglang apoy.

Nasundan nya pla s Ineng sa pagpunta sa lihim nilang tirahan.

Kahit hinang-hina sa kalagayan, ay biglang nagkaroon ng pag-asa Aling Cila sapagkat may tulong na dumating para sa kanya.
Kahit hirap syang magsalita ay nasambit nya ang mga katagang, "tulungan mo ko".

Naintindihan ito ni franc at agad na lumapit, lumapit sya kay ineng. Iniabot ni franc ang kamay papunta sa kamay ni Ineng at kinuha ang hawak nitong patalim. Binigay naman ito ni ineng na nakatitig lang sa mga mata ng kanyang ama.

Lumapit ito kay Cila, pero nagulat ito ng sinaksak ni franc si Cila sa kanang braso nito at buong lakas na hiniwa ito hanggang sa maputol, "sawang-sawa na ako sayo! Ito ang nararapat sayo!" malakas na sigaw ni franc.

Subalit nabalot ng katahimikan ang paligid ng sinaksak din ni Imeng ang ama. Pinagsasaksak nya ito ng walang tigil. Sampu, dalawampu, tatlumpu hanggang sa magkaluray-luray ang katawan nito. Labas ang bituka, atay, at nanaliligo sa sariling dugo. Ang mga tubig sa kanyang mga mata'y waring nagsisipag-unahan sa pagdaloy habang ginagawa ito sa kanyang ama na bakas ang galit.

Alam ni Ineng na ang sinapit ni Imeng sa mga prayle at syang pinaka-kasalanan ng kanyang ama. Hindi na makilala ang katawan ni franc sa dami ng saksak na natamo nya. Agad syang binawian ng buhay, nagkalat sa paligid ang kanyang dugo na halos balutin ang kinakatayuan nila.

Malungkot man si Ineng na wala ng magbibigay ng init sa katawan nya sa sinapit ng ama nya subalit mas mahalaga sa knya ang kanyang kapatid. Sapagkat sila lamang ang nakiintindi sa isa't isa.

"Ako ang kakain kay ama", bulong ni Ineng kay Imeng. "akin sya", dagdag nito.

Tahimik na naglakad si Imeng papunta kay Cila na walang malay at inumpisahan nila ang kanilang naudlot na hapunan ng gabing iyon.

Habang ang buong lugar ay payapa ng nagpapahinga, payapa na rin ang kalooban ng kambal dahil sa wakas ay nakuha na nila ang hustisyang nais nila.

WAKAS



Lubos po akong humihingi ng paumanhin sa katagalan ng post na ito.
May mga bagay-bagay lamang po talaga na kailangang unahin para sa ekonomiya.
Gayunpaman nagpapasalamat pa rin ako sa lahat ng bumubuo ng #tagalogserye sa palagiang pagintindi sa mahigpit na skedyul.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center