Filipino Fiction : Tagalog Serye XI : Wakas na Bahagi ng Ikalawang Pangkat

ang larawang ito ay kay @tagalogtrail

Upang mas maunawaan po ninyo ang akdang ito pakibasa po muna ang mga naunang bahagi
"Pag-uwi sa Lumang Bahay" sa panulat ni G. @oscargabat
Panaginip at Salamuin sa panulat ni G. @jazzhero
Ang mga Bisita sa panulat ni Bb. @jemzem
at ang pangwakas na bahagi:

Ang Nakaraan

Hindi na makahinga si Jem sa tindi ng hilakbot na nararamdaman lalo pa’t may naramdaman siyang malamig na kamay na humawak sa kanyang kaliwang paa. Nang itinungo niya ang ulo para alamin kung sinong humawak n’on ay nakita niya ang itim na malahibong kamay.
Napasigaw si Jem at nabalot ng kaniyang nakabibinging hiyaw ang kanilang buong kabahayan.

Ang Ika-40 Araw

Wala sa sariling nagtatalon at nagsisigaw si Jem dahil sa nasaksihan at ang kanyang lola ay nagsimulang magbitiw ng orasyon sa wikang latin:

"Nel nome del padre, il figlio e lo spirito santo. Vai via spiriti perduti. Torna da dove vieni"

palakas ng palakas habang galit na nagwiwisik ng agua bendita na matagal na niyang tinatago.

"Inay, pakawalan mo na kasi siya. Hayaan mo na siyang manahimik. Hindi na sya dapat naririto pa", wika ni Aling Rome na tila masisiraan na ng katinuan dahil sa nagaganap

"Hindi dito lang sya! Hindi sya aalis! Hindi nyo sya makukuha! Magsilayas kayo mga damuhong ligaw na kaluluwa". anas ni Lola Delia.

"Nyihihihi. "
Nag-aalingawgawan ang mga tawang pangisi
Ang mapupulang mata ay mas nagiging detalyado na. Ang mga kalabog ay palakas ng palakas. Palapit ng palapit. Sa kaliwa. sa kanan, sa bubong, sa sahig.

"Nel nome del padre, il figlio e lo spirito santo. Vai via spiriti perduti. Torna da dove vieni"
muli pang sigaw ni Lola Delia

At biglang tumahimik. Nakabibinging katahimikan. Ang kaninang ingay sa hagdan ay tumigil na rin. Pumayapa na rin ang kung anong mga kalabog sa banyo.

Tok tok tok. Tatlong katok at sabay tumigil.
May kumakatok sa kwarto kung saan sila naroroon.
Napaatras ang mag-iina.

Nakahanda si Aling Delia at nakaamba sa kung anuman ang nasa likod ng pinto.
"Hindi mo dapat ginalaw ang salamin Jem", mangiyak-ngiyak na wika ng matanda."Pinapasok mo sila!"
Hakbang patalikod malapit na sila sa bintana.
Bumuga ang malakas na hangin at sumingaw ang di mabilang na duguang mga braso sa railing ng lumang bintana at pilit silang inaabot. Napakarami. Mapupulang mga mata. Aninong hugis tao.

"Jem apo ko atras",
Sa pag-atras ni Jem siya ay natumba at sa kisame ay may nakabaliktad na imahe ng dalaga na pilit rin siyang inaabot
"Lydia wag mong galawin ang apo ako! Bumalik ka sa hagdan!
Gumapang si Jem patungo sa ina subalit iba na ang kilos nito. Napakadungis na at magulo ang buhok.
"Kanor lumayas ka sa katawan ng anak ko. Sa banyo ka lamang nararapat. Layaaas!", utos ng matanda.
Pagkabigkas nito ay bumulagta si Aling Rome. "Inay pakawalan mo na sya". Ito ang mga huli niyang wika hanggang sa mawalan ng malay.

Patuloy ang mga ungol at mga huni ng ngisi. Wari'y pinagtatawanan pa sila sa mga nagaganap.
Napaupo si Jem at gumapang ang lamig sa isa niyang kamay. Nasa tabi siya ng kama at sa silong nito ay nagsimula siyang makipaghilahan sa isang maitim na nilalang papasok sa ilalim ng kama.

"Magsilayas kayo mga ligaw na kaluluwa". "Iwanan nyo ang apo ako."

"Nel nome del padre, il figlio e lo spirito santo. Vai via spiriti perduti. Torna da dove vieni"
sabay wisik ng agua bendita.

Biglang katahimikan muli.
Tok tok tok. Tatlong katok at tatahimik.
Pinaghalong takot at luha ang namamayani sa maglola. Sila ay nagyakap. Nakapikit. Mahigpit.
Pamunti-munting dinidilat ni Jem ang kanyang mata at binulaga siya ng duguang mukhang nakasalamin. "Jem oras na. Sumama ka na sa amin. Kailangan na nating umalis. Tapos na ang palugit."... at ito'y naglaho.Napabitiw siya ng yakap at napaatras.

"Hindeee!e, wag mong isama ang mahal kong apo!",
Wala ng agua bendita. Paos na si Lola Delia. Siya ay binabalutan ng labis na simbuyo ng kalungkutan. "Maawa kayo, wag nyong isama ang apo ko. Ang kaisa-isa at mahal kong apo".
Tila batang nagmamakaawa si Lola Delia. "Wag nyo siyang kunin sa akin. Waaaag!. Maawa kayo! Waaaag!

"Lola,Lola" umaatungal na si Jem,"tulungan mo ako Lola. Gusto ko pa kayong makasama ni Mama"
Napuno ng sugat si Jem. Naliligo sya sa dugo. "Lola!! anong nangyayari, Lola!!!!!!", nahihilakbutang si Jem.

Halos lumuwa ang mata ni Aling Delia. Dahil sa aninong nasa likod ng nag-uumatungal na si Jem.
"Mahal ko, wag mong kunin si Jem"

Napigil ang hininga ni Jem at paglingon nya ay kasabay ng pagsapo ng malalamig na kamay sa kanyang ulo ........


"Lola,Lola" nag-aagaw buhay na si Jem,"tulungan mo ako Lola. Gusto ko pa kayong makasama ni Mama"
Napuno ng sugat si Jem. Naliligo sya sa dugo. Ilang hakbang mula sa kanya ang katawan ng duguan ding si Jazz, si Shawn, si Zera, si Pol, si Maine ang buong tropa nila ni Toto. Wala na silang buhay lahat matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus patungong Tarlac."


"Apo ko Jem!", nagsusumigaw na si Lola Delia sa bintana.
"Inay anong nangyari. Hindi mo naman ininom ang gamot mo", ang humahangos na si Aling Rome.
Napaupo si Lola Delia sa gilid ng kama habang humahagulgol tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan ng apo.
"Jem!, apo ko!. Jem!. Jem!"

Tok tok tok. Tatlong katok. Sabay titigil.
Tok tok tok. Palakas ng palakas
"Andyan na po. Sino ba iyan", humahangos na si Aling Rome pababa ng hagdan patungo sa pintuan.

"Kayo po ba ang kamag-anak ni Jemelyn Rodriguez?", wika ng isang pulis
"Ako nga po", wika ng kinukutuban ng si Aling Rome.
"Misis nakikiramay po kami. Patay na po ang inyong anak. Nahulog po ang bus na sinasakyan nila. Patungo dito sa inyo. Baka nakikilala nyo rin po ang mga larawang ito. Pare-parehas po sila ng school i.d."

"Jem apo ako. Bakit mo kami iniwan", nabigla si Aling Rome dahil nasa likuran pala niya si Lola Delia.
"Inay wala na si Jem. Naaksidente sila ng mga kaklase nya pauwi dito sa 'tin."

Kinagabihan.

El bonim perum segubyum pyurum. Lesyika porlom des
Nakapngingilabot na dasal ni Aling Delia habang nakaluhod sa nakabukas na aparador sa kung saan may nakatirik na mga itim na kandila, mga halamang nakasabit, larawan ni Jem at rebulto ng di mawaring nilalang na kasing laki ng tao.
"Tinatawag ko ang kaluluwa ni Jemelyn. Apo halika at samahan mo ang Lola. Nangungulila ako sa iyo"
El bonim perum segubyum pyurum. Lesyika porlom des
"Apo ko Jem, magbalik ka na rito sa bahay. Wag mo kaming iwan ng iyong ina."

Nang gabing iyon

Tok tok tok. Tatlong katok

Sa Tarlac..

Jem: Nay! Lola! Andito na po ako. Inay! Pabuksan po ng pinto.
Rome: oh anak! Andyan ka na pala.
(Kasabay ng halik nito sa noo)
Agad agad pinuntahan ni Jem ang kanyang lola na nasa kwarto. Nadatnan nyang may hawak ito ng rosaryo at tila ito’y nagdadasal.

Jem: Lola!! Andito na ako.
(Sabik na sabik na pagkasabi ni jem kasabay ng pagmano rito)
(at si Aling Rome ay pailing-iling bilang pagsalungat sa ginawa ng ina)

**(ITO ANG MGA KAGANAPAN 40 ARAW NA ANG NAKAKARAAN)

Kasalakuyan

Napagtanto ni Jem ang katotohanan. Lubos na niyang nauunawaan ang mga nangyayari. Sa pagtawag ni Lola Delia sa kanyang kaluluwa ay di sinasadyang tinawag rin nito ang iba pang ligaw na kaluluwa sa paligid at ang kaluluwa ng ibang kasama sa aksidente sa bus. Ang anino ay walang iba kundi ang kanyang kabiyak na si Lolo Jez

Timitig ang mga mata ng namayapang matanda sa mga mata ni Aling Delia. Hindi kailangan ng anumang salita. Ang mga titig na iyon ay nagpapahayag ng pagmamahal subalit puno ng pagkapagod. Sinasabi ng mga tingni na iyon na hindi na sila nararapat pa rito at sa kabilang buhay na ang dapat nilang kalalagayan.

Isa-isang papalapit palibot kay Lola Delia ang mga yabag. Isa-isa siyang pinaikutan ng mga kaluluwang humihingi ng tulong na makalaya na. Ang kaninang galit, takot at pagkataranta ay napalitan ng pagsisisi, pagkakonsensya at paghingi ng tawad.

"Lola, mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ni Mama. Pero kailangan ko ng sumama sa kanila. Kailangan ko na ring tumawid at magpahinga", buong lumbay na wika ni Jem habang hinahaplos ang di mapatid-patid na luha ni Lola Delia na nakasalampak pa rin sa sahig.

"Apo ko mas mahal kita. Patawarin mo ang Lola. Gusto lang naman sana kita makasama kahit sa huling 40 araw mo dito sa lupa. Malaya ka na apo. Malaya na kyo ng Lolo mo at mga kaibigan... kayong lahat. Tumawid na kayong lahat. Bago pa kayo makulong dito. Di ka mawawala sa alaala ko apo kayo ng Lolo Jez mo (sabay yakap naman sa namayapang kabiyak). Patawarin nyo ako sa paggamit ko ng itim na mahika. Di ko kayang tuluyan kayong mawala sa piling ko. Mahal na mahal ko kayo", ang di di ampat at paisa-isang pahayag ng matanda.

Sa pagsabog ng liwanag ay kasabay na naglaho ang lahat ng kaluluwa kabilang si Jem at Lolo Jez. Ang salamin sa lumang kwarto ang nagsilbi nilang lagusan patawid sa kabilang buhay.

"Inay, inay, sa lapag ka na naman natulog. Dinaya mo na naman ako. Hindi mo na naman ininom ang gamot mo", wika ni Aling Rome na walang matandaan sa mga naganap. "Halina po at mag-almusal na tayo"

Nagbagon ang nalulumbay na matanda.
"Jem apo ko. Bakit parang totoo na nandito ka. Bakit parang nakasama kita".

"Inay alam kong nalulungkot ka gaya ko. Pero higit isang buwan nang nailibing si Jem. Mahal na mahal ko ang anak ko. Pero malulungkot sya pag ganyan ka Inay."

Nagyakap ang mag-ina at parehas na di mapagilan ang hagulgol.
"Bakit parang totoo?", hikbi ni Lola Delia na patuloy sa paglala ang karamdamang Dimentia. "Bakit parang totoo?"

Malalim na ang gabi

"Inay tapos ka na ba magbanyo", tanong ni Rome
"Tapos na anak ko. Salamat sa iyo. Matulog na tayong muli", pasasalamat ni Lola Delia sa anak.

( Tuwinang nawawalan ng suplay ng tubig sa gabi kung kayat may isang di kalakihang plastik na drum sa loob ng banyo para imbakan ng tubig.)

Nang papalabas na sila sa pinto. Nagsimulang bumula ang tubig sa drum.
Nagulat ang mag-ina at napakislot.
"Wag mong tignan Rome" nagtatakang wika ni Lola Delia na tila nawala na naman ang sakit na Dimentia. "Kanor lintik kang bata ka. Hindi ka sumama sa pagtawid. Kay tigas talaga ng ulo mo!" pagsuway ng matanda.

Subalit bumula-bula lang muli ang tubig sa drum.
"Aba'y tinamaan ka ng lintek", humakbang palapit si Aling Delia at akmang mamamalo.
Pagsungaw niya sa drum ay umahon ang isang pigurang pamilyar. Pero hindi ito ang ligaw na kaluluwa ni Kanor.

Buhay ang rebulto sa aparador. Buhay ito!!!

tagalogtrail4.jpg

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center