A TRUE STORY OF KWENTONGSIKRETO

A TRUE STORY OF KWENTONGSIKRETO

4xmpsrlulr.jpg

Ang istoryang ito ay hango sa tunay na buhay na nangyari sa panganay na kapatid ni KwentongSikreto. Ang istoryang ito ay noong nasa elementarya palang ako. Grade 6 ako nun at hindi ko maintindihan ang kuya ko kung bakit ayaw niya kaming palabasin ng bahay ng aming kapatid na bunso. Tinatanong namin siya kung bakit at wala siyang sinasabi na kung ano ang dahilan. Napapaiyak nalang kami ng bunsong kapatid dahil gustong gusto naming lumabas ng bahay para makipaglaro sa aming mga kaibigan.
Ilang linggo din kaming palaging hinihintay ang kuya naming gumising bago kami makalabas ng bahay. Para bang nasa kulungan kami ng aming kapatid na bunso. Wala kaming magawa dahil takot kami sa aming kuya. Dumating ang araw na bumalik sa normal ang kabataan naming dalawa ng aming bunsong kapatid at tila ba na malayang malaya kaming gawin na ulit ang mga nakagawian namin. Lumipas ang ilang buwan, taon at nung nakagraduate na ako ng high school ay bigla kong naalala ang mga araw na kung bakit ayaw kaming palabasin ng aming kuya nung mga araw na iyon.
Tinanong ko si kuya kung ano ang kanyang dahilan kung bakit ayaw kami palabasin ng aming bunsong kapatid nung mga araw na iyon at sinabi niya sa akin na ikekwento niya ang lahat at wag daw akong matakot. Kaya niready naming dalawa ng aming kapatid na bunso ang aming sarili upang pakinggan ang aming kuya. At ito ang kanyang salaysay…….
Isang gabi bago ang nakakakilabot na nangyari sa akin at sa mga tropa ko ay nagkayayaan kaming maginuman at tinawagan namin ang mga tropa na maki join sa aming inuman. Dumating ang mga tropa ko pakonti konti at nakumpleto kaming walo na nag kainuman at sobrang saya namin nung gabing iyon. Nasa bahay kami ng tropa namin na may titang tomboy na may third eye at walang kinatatakutang kahit ano pa mang mga ispirito at mga demonyo dahil lahat daw ng bahay ay meron mga ganitong bagay.
Lumipas ang ilang oras ng aming pagiinuman ay medyo tinatamaan na kami at may isang tropa na nag bukas ng kwento tungkol sa mga multo. Napagtripan namin na magusap tungkol sa mga multo at tahimik lang ako dahil takot na takot ako sa multo. Ang ibang mga tao ay sinasabing matakot na daw sa buhay wag lang sa patay pero ako, mas takot ako sa patay kasya sa buhay. Habang naguusap ang mga tropa ko ay sobrang tahimik naman akong nakikinig sa bawat kwento ng kanilang karanasan. At nung dumating ang punto na ako na ang susunod ay sinabi ko sa kanila na wala pa akong experience sa mga ganyang bagay lalong lalo na sa pinaguusapan namin.
Natawa nalang ang mga tropa ko at tahimik parin ako dahil kinikilabutan ako ng dahil sa aking mga narinig at kinikilabutan din ako ng hindi ko alam kung bakit. Ilang saglit pa ang lumipas ay nagkayayaan na kami ay maglaro ng spirit of the glass. Gustong gusto ko na umuwi ng bahay pero tinago ng isang tropa ko ang susi ng aking motor kaya wala narin akong nagawa kundi ang maki sama sa mga gagawin nila na kahit ayoko ay napilitan akong sumama.
Sinabihan kami ng tita ng aming tropa na wag maglaro ng spirit of the glass dahil hindi daw naming alam kung ano ang kahihinantnan ng aming paglaro nito. Nag tawanan lang ang mga tropa pero ako ay sobrang tahimik lang dahil takot na takot ako. Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok kami sa isang kwarto at duon namin inilagay ang aming kailangan para sa pag laro ng spirit of the glass. Nangangati ang aking kanang tenga dahil pinagtitripan ako ng katabing tropa ko. Pero hindi ko na iyon pinansin.
Maya maya pa ay nagsimula na kaming magdasal at habang kami ay nagdarasal ay pumasok na ang tita ng tropa namin at sumali narin sa kadahilanang baka kung ano ang gawin sa amin ng ispiritong papasok sa loob ng baso. Bigla nanamang nagtawanan ang mga tropa at tahimik lang ako na medyo kinabahan sa sinabi niya. Pag tapos naming magdasal ay tinawag namin ang ispiritong nasa loob ng bahay na aming pinaginuman. Matagal tagal din kaming naghintay at pinagtitripan ako ng katabi kongtropa dahil kinikiliti niya ang aking kanang tenga pero parang wala naman siyang ginagawa. Siguro ay mahaba lang ang buhok ko at pumapasok ito sa aking tenga ka nangangati. Hindi ko na ulit pinansin dahil talagang nangangati ito.
Ilang saglit pa ng aming paghihintay ay biglaang gumalaw ang baso na habang ang mga daliri namin ay nasa taas ng baso at hindi namin ito ipinatong. Gulat na gulat ako at biglang natahimik ang mga tropa at siguro ay natatakot narin at hindi sila makapaniwala na basta basta nalang gagalaw ang basong iyon. Sobrang tahimik naming lahat at tinanong kami ng titan ng tropa na kung may itatanong ba kami. Walang naglakas loob na magtanong kaya si tita na ang unang nagtanong. Tinanong niya kung babae ba ang nasa loob ng baso o lalaki. Sumagot ito at dahan dahang pumunta sa mga letra at ang mga letrang iyon ay B A B A E. Babae ang nasa loob ng baso. Ang sumunod na tanong ay kung ano ang ikinamatay niya at bigla nalang nangati ang aking tenga ulit at hinampas ko ang aking tropa na nasa tabi ko. Ang sabi niya sa akin ay kung bakit ko daw siya hinampas at sinabi ko sa kanya na wag akong pagtripan. Sinabi naman niya na wala naman daw siyang ginagawa sa akin kaya binalewala ko nalang ulet at hinintay sagutin ng ispirito ang tanong ni tita.
Sinabi ng ispirito ay pinatay daw sila ng kanyang asawa at iniwan ang kanilang bangkay dito sa bahay na tinitirahan ng tropa at pamangkin ng kasama naming tibong tita niya. May nagtanong sa isang tropa na kung paano sila pinatay ng asawa niya at bakit. Ang sagot ng ispirito ay hiniwa daw ang kanilang leeg at sabay pasok ng kutsilyo sa iba’t ibang bahagi ng aming katawan. Tinanong ng tomboy na tita ng tropa kung marami ba silang nakatira sa bahay. Ang sabi naman ng babaeng ispirito ay tatlo daw sila. Bigla nanamang nangati ang aking tenga at para bang may pumasok na langgam sa sobrang kati nito. Kaya kinamot ko ito ng kinamot pero binalewala koi to ulit at hinintay kung ano ang susunod na tanong.
Habang nagiisip ng maitatanong sa isipiritong babae ay bigla nalang gumalaw ng baso at nagulat kaming lahat dahil pumunta ang baso sa mga letrang…
P A T A Y I N A N G I L A W..
Patayin daw ang ilaw. Tinanong naman ng isang tropa na bakit daw kailangang patayin ang ilaw. Gusto daw ng babaeng ispirito na ipakita ang kanyang anyo at napansin ng isang tropa na para bang galaw ako ng galaw at kinakamot ang kanang tenga ko. Tumingin lang siya at napatingin din ako sa kanya pero hindi na siya nag tanong kung bakit.
Ilang saglit pa ay tinanong ng tomboy na tita ng tropa kung sino ang kasama niya ngayon. Sinabi ng ispirito ay kasama niya daw ang kanyang anak at gusto rin daw niyang makita naming lahat kung ano ang kanilang itsura. Nangalay na ang aking kamay sa kakakamot ng aking kanang tenga kaya ginamit ko na lang ang aking kanang balikat sa pag kamot nito. Ilang saglit pa ay papatayin na dapat ng isang tropa na hindi kasali sa laro ang ilaw pero sumigaw ang tita ng tropa naming na wag na wag patayin ang ilaw. Kaya napaupo ito ulit at tumahimik. Sinabi ni tita na hindi na kailangang patayin ang ilaw at sabay tanong na kung san ba siya nakatayo ngayon. Sinabi naman ng ispirito na nasa gitna siya namin at tinanong niya ulit ito kung nasa tabi daw ba niya ang anak niya. Sinabi naman ng babaeng ispirito na wala ang kanyang anak at ito ay naglalaro sa paligid. Tinanong ng isang tropa na kung saan naglalaro ang kanyang anak.
Sinabi ng ispirito ay nasa tabi daw namin ang anak niya at tinanong ni tita kung saan siya nakatabi. Pumunta ang baso sa letrang M.
Bigla kaming kinabahang tatlo ng mga tropa kong nagsisimula sa letrang M ang pangalan. Ako nga pala si MACKEY.. Yung dalawang tropa ko naman ay sina MANNY at MACOY…
Ang sumunod na letra ay A… Sobrang kabang kaba kami at hindi kami makagalaw…
Pumunta naman ang baso sa letrang C kaya medyo nakahinga si Manny at kaming dalawa ni MACOY ay sobrang takot na takot… At nung pumunta ang baso sa letrang K ay sobra sobra ang takot ng aking nararamdaman… At tinanong ng isang tropa kung ano ang ginagawa ng kanyang anak. Sinabi ng babaeng ispirito na nakahawak daw siya sa kanang tenga ko. At biglang nginig at sobra sobra ang takot ang naramdaman ko kaya pala palaging nangangati ang aking tenga. Hindi na ako gumalaw at napapikit nalang ako. Ilang saglit pa ay pinapapatay na ulit ng babaeng ispirito ang ilaw pero hindi pumayag ang tita ng tropa at mga ilang saglit pa ay pumunta sa mga letra ang babaeng ispirito at ang sinabi niya ay….
WAG DAW NAMIN PAPATAYIN ANG ILAW DAHIL KAHIT SAAN DAW KAMI PUMUNTA AY MAGPAPAKITA DAW SIYA SA AMING LAHAT…
At biglang tinaas ng tomboy na tita ng aking tropa ang baso at tinago na ang ginamit naming pag laro ng spirit of the glass.
Kinabukasan ay bumalik ako sa bahay ng tropa na kung saan kami ng laro ng spirit of the glass.. Nasulyapan ko ang isang tropa na para bang kagigising lang at parang nagsasalita siya mag isa. Tinignan ko pa ng maigi at tagalang nagsasalita siya magisa at para bang sumesenyas senyas pa. Naghintay pa ako ng ilang minuto at hindi ko na matiis at nilapitan ko na siya. Tinanong ko siya kung ano ang ginagawa niya at sinabi niya sa akin na kausap niya daw yung dating nakatira sa bahay na iyon. Kinilabutan akong bigla at sinabi ko sa kanya na kanina ko pa siya tinitignan at wala akong nakitang kausap niya bigla natulala at nung dahan dahan siyang tumingin sa sinasabi niyang kausap niya ay bigla nalang itong….. Nawala…….

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center