Nakaraang pag-ibig na may malaking epekto sa iyong pagkatao.

qintyio5jp.png
Pixabay


Mapusok ako noong una akong nagmahal nang wagas. Masasabi kong naramdaman ko panandalian ang pagmamahal. Matapos ang kulang isang taon na pagmamahal ay nauwi rin sa maduguang hiwalayan. Nagbibingi-bingihan sa mga sinasabi ng kapitbahay at kaibigan, bulag sa katotohanan, napipi na dahil takot na magsalita at higit sa lahat pakiramdam ko noon para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Masakit ang katotohanan sa totoo lang subalit wala tayong magagawa kung hindi tanggapin ito.

Malumlom ang aking mga mata gabi-gabi, eyebags ko ay parang luggage dati sa laki, kahit hanggang ngayon dahil iyon sa kanila na mga mal-hayop ang pag-uugali haha. Mary pa man din ang pangalan pero huwag ka mala-demonita pala ang pag-uugali ng pukares. Hindi lang iyon dahil sa sobrang kalungkutan na nadarama ko, ang mga mata ko ay nagmistulang mata ng isang bampira dahil mapula na kung saan. Ang hitsura ko naman batang-bata pero parang si Fred Panopio na dahil nga balisang-balisa sa kaiisip nang sobra-sobra kung bakit nangyari iyon. Ginawa ko naman ang lahat-lahat subalit kulang pa rin para sa kaniya. Ubos pera palagi sa araw-araw, tiniis ko ang trapiko sa araw-araw marahil hindi naman ganoon kalala ang trapiko noon masasabi ko na nag-abala pa rin ako ihatid siya sa kanila sa araw-araw dahil nga maginoo ako at romantiko para akong si Mr. Suave. Lahat nang mga ginawa ko noon hindi mapapantayan ng kahit na sino (hyberbole) haha. Ako lang ang nakagawa niyan, kahit magtanong ka pa sa sampung demonyo siyam diyan ang magsasabi na ako ang pinakanagmahal sa'yo nang tapat at wagas.

Maganda, makinis, maputi siya at maganda ang hubog ng katawan sa madaling salita seksi. Tama lang din ang laki ng puwet at dibdib. Ganoon din naman ako. Matangkad, pang atleta ang katawan, makinis at maputi DATI. Kulaang na lang siguro magkaroon ako ng sariling sasakyan para artistahin na ang datingan ko haha. Ngayon hindi na kabaliktaran na ng lahat. Ang hitsura ko ngayon ay ibang-iba na sa dati. Nang dahil sa depresiyon para bang isang zombie na ang hitsura ko haha. Dumami ang tigyawat, lumaki ang eyebags at pumayat. Masasabi ko na mahal na mahal ko siya talaga pero hindi naman niya sinuklian ang pagmamahal ko bagkus nagbalat-kayo lang pala ang gaga at ang panlabas na hitsura na akala mo ay dyosa, sa loob pala ay bulok ang kalooban. Gayon pa man hindi ko maitatatwa na kasama na siya sa kasaysayan ng buhay ko, nga lang doon siya sa negatibong bahagi at hindi sa positibo.

Nang dahil sa pag-ibig natutong magtiis, nagmahal nang sobra-sobra. Nang dahil sa pag-ibig naging alipin mo ako. Nabaliw nang husto sa huwad na pag-ibig mo. Nang dahil sa pag-ibig ko sa'yo handa akong pumatay at mamatay. Iyan ang mga katagang sinabi ko noon sa sarili ko at sabi ko sa sarili ko hindi na ito mangyayaring muli subalit mali pala ako. Umibig ulit ako at awa ng diyos sa pangalawang pagkakataon ay ganoon pa rin ang resulta. Alam kasi ng diyos na matatag ako at kaya ko kahit anong pagsubok na darating sa buhay ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyari sa akin. Nagsabog ang diyos ng kamalasan, sinalo kong lahat. Dapat pala nagpayong ako noon para naman hindi ko nasalo ang lahat ng kamalasan. Hirap na hirap ako bago maka-move on pero sadyang siraulo talaga itong si kupido. Pagkatapos nang madugong hiwalayaan at makalipas ang ilang mga taon ay ito ulit ako nagpakatanga ulit. Ang pagkakataon nga naman ay parang kabuti kasi kusang sumusulpot. Magbibigay lang ang tadhana sa akin ng babae, ang binigay naman ay tila isang kalapating mababa ang lipad. Diyos ko po naman. Ito na nga ang sinasabi ko kung bakit hindi ako nagpayong noong nagsabog ka ng kamalasan. O Hesus ko!

Morayta lugar nga ba ng kadiwarian? Haha. Pukares na tadhana ito. Itatapat lang ako rito pa sa katabing iskuwelahan ko. Ano pa nga ba ang dapat ko asahan? Siyempre panibagong pagdurusa nanaman ang dala nito pero nasa ibang lebel na ang pagdurusan na nadarama ko sa ikalawang pagkakataon. Anila mas matamis daw ang pangalawang beses, mali silang lahat doon dahil ang pangalawang pagkakataon pala ay impeyrno! Sa bagay bawal ako sa impyerno dahil kapag nasa impyerno ako sasabihin ni Satanas "pakiramdam mo nasa langit kang gago ka". Haha bwusit! Malaki talaga epekto nito lalu na sa hitsura ko, kung makikita niyo ako dati ibang-iba talaga kahit itanong niyo pa kay @lhey18 haha.

Ang sakit-sakit sa kalooban sa pangalawang pagkakataon. Kung noong una ay zombie mode ngayon zombie mode times two times two. Paano naman kasi sumama naman siya sa iba. Ang epekto nito sa katauhan ko ay grabe! Kasi nga halos hind na ako kumakain. Walang kagana-gana. Pakiramdam ko noon sa kaniya lang umiikot ang mundo ko. Ang kagandahan lang nito natuto akong magpursige sa buhay, natuto akong maghintay ngayon kung hindi man siya dumating ay ayos lang din. Marami akong natutunan sa buhay simula nang iniwan niya ako. Ngayon ay ayos na ang kalagayan ko hindi man ako gwapo ay masasabi kong tapat ako at hindi ako naglalaro ng feelings. Ako lang naman palagi ang pinaglalaruan na kapag nagsawa sila ay iiwan na. Maihahalintulad ko sa isang basahan, kapag madumi na ay tapos na! Ako kabaliktaran siyempre habang tumatagal lalung sumasarap sabi nga nila sa Visayas "nagkadugay nagkalami" 'di ba master @eldean @blessedsteemer? Sagrado at banal ako nga lang talaga hindi na yummy na parang si manong @oscargabat haha kaya naman si @iamqueenlevita ay maka-Oscar haha.

Hanggang dito na lang ako baka maging Erotica pa ito haha. Hanggang sa muli paalam!



2tqz8mql18.png

bwqc1uzjnt.png

tqy91cwceu.png

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center