Bahay- ospital lang ang aking rota araw- araw. Dito kasi sa pinagtatrabahuan ko ngayon ay ospital ng mga militar. Kaya ang mga pasyente namin ay mga militar lang at mga kamag-anak nila ang pwedeng magpatingin. Isang oras mula sa Riyadh (capital ng Saudi) ang layo ng lugar ko. Farm ang marami dito. Pagawaan ng mga gatas, juices at softdrinks ay dito matatagpuan. Mas mainit dito ksi maraming factory kumpara sa ibang lugar. Kaya masasabi kong medyo ang boring. Mabuti nga may mga malls na dito.Kasi 3yrs ago,nung bagong dating ako, walang mall kaya ang lungkot talaga.
Napag-isipan naming magkakaibigan na dumayo pa sa Khobar(Lugar din dito sa saudi). Nagbiyahe kami ng 7 oras para lang makakita ng 'corniche'. Kahit nga siguro swimming pool lang eh masaya na.
Hayan ang bumungad sa amin. Oh diba, kahit ganyan lang nakakatuwa na.π
Napakahangin. Kitang-kita sa galaw ng mga dahon. Ang sarap mgjogging jan. Madaming nagjojogging na lalaki. May nakasando at shorts pa nga eh. Pwede rin magjogging ang mga babae pero dapat nakasuot ng abaya(ung itim na damit na sinsabi ko palageπ). Grabe ang hassle sobra noh.
Puno ng dates(pambansang prutas nila) ang mga puno jan. Alam niyo bang sobramg mahal nyan sa ibang bansa, pero dito pinamimigay ng karamihan kasi blessings daw ang mamigay. Kung gusto mong magtanim ng dates sa pilipinas,hindi pwede. Kasi ang sinoman mag-uuwi ng dates na halaman ay huhulihin. Makukulong at malaking kasalanan ito. Kaya swerte ang makakatikim nito, parang ginto.ππ Nga pala, minsan langagbunga sa isang taon depende yan sa araw ng Ramadan nila.
Hayan pa, diba kahit tingin tingin lang.Pwede na. Bawal maligo eh. Kahit man lang sana magtampisaw. :-D
Halatang sobrang saya namin noh. Ako pala pinakamasaya. YOLO na ang kasabihan ng millenials. You Only Live Once. Kaya kahit madaming bawal, madaming wala, madaming kulang dapat ienjoy kung anong meron at piliin pa ring maging masaya.
Photos are all mine taken using my LG G3 phone.