Ikaw,
Oo ikaw na nakaupo sa mumunti mong upuan habang binabasa ang tulang ito
Ikaw na nariyan sa loob ng apat na sulok ng iyong kwarto
Isa ka rin ba?
Isa ka rin ba sa iilang kabataang nagnanakaw sa obra ng iba?
Sa obrang ika'y naakit at natukso para sa pansariling benepisyo?
Ikaw ba'y nasisiyahan?
Sa obrang ni katiting na pagod, ika'y walang inambag?
Ikaw ba'y karapatdapat sa papuring ninakaw mo sa iba?
Sa obrang alam mo sa iyong sarili
Ay di ikaw ang nag mamay-ari?
Ikaw,
Oo, ikaw
Ikaw na mandurugas, magnanakaw, manggagaya
Ika'y tumigil na
Tumigil sa pagnanakaw at pagkuha sa obra ng iba
Dahil ikaw,
Ikaw na nakaupo riyan at nagbabasa
Ikaw mismo'y may magagawa
Sariling obra na batay sa sariling talento't kakayahan
Dahil ikaw at ako,
Ay may natatanging kakayahan
Huwag ikahiya ang iyong nalalaman
Ibahagi ito sa karamihan
Ako'y nakatitiyak ito'y hahangaan
'Pagkat ito'y mula sa sariling utak at mga palad
Ikaw,
Oo, ikaw
Ano man ang kulay at lahi,
Wika at kaugalian
Ikaw ay may magagawa
Sapagkat ang talento ng Pilipino ay 'di limitado sa apat na sulok ng silid na iyong kinalalagyan
Ang obra ko'y akin, obra mo'y sayo
Ang akin ay akin lamang, ang sayo ay sayo lamang