Mula sa Kadiliman, Patungo sa Kaliwanagan

image

Narito na naman ako
Sa silid na ni anino ng liwanag ay di maaninag
Sa silid na ang mga pinto't bintana'y sarado
Sa silid na kadiliman ang purong namumuno

Dito sa silid ng kadiliman,
Iba'y naging mandurugas, manloloko't magnanakaw
Iilan ang naging tsismosa, mandarambong at mangangalunya
Lahat ma'y malaya, lahat ri'y nananangis
Nakakalungkot mang isipin, ngunit ganito kami sa silid ng kadiliman

Ngunit sino itong tila pilit binubuksan ang silid ng kadiliman?
Pilit na inaabot ang kaniyang mga kamay mula sa labas ng silid na ito
Kanyang mga mukha'y di maaninag sa liwanag na bumabalot rito
Ganito pala ang imahe ng kaliwanagan

Patuloy kang pumasok sa silid ng kadiliman
Unti unting itinayo ang bawat isa sa kalugmukan
At sa isang kurap ng mata, kadilima'y naglaho

Oo, ikaw Hesus na ipinako sa krus ng kalbaryo
Ikaw, na naglitas sa bawat isa mula sa kamatayan at kadiliman
Ikaw, Hesus na naglinis sa aking karumihan
Oo, si Hesus na manunubosnat tagapagligtas

Ang dating mandurugas, manloloko, mandarambog, tsismosa't sinungaling
Ngayo'y iyong lingkod na
At bilang ganti, iaalay ko ang aking buong buhay upang parangalan iyong pangalan, Hesus!

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center