Steemitserye: Love Game (Ep.3)

Nandito ako sa campus ngayon. Call time namin, 2pm. Si Giselle nalang hinihintay at pupunta na kami sa first location ng shoot namin. Nakinig muna ako sa ipod ko habang nag hihintay.

Carla: Marco nasaan na daw siya?

Marco: Teka, tawagan ko.

Gio: Wag na pre, on the way na daw. Wala daw driver kaya siya natagalan.

Ohh. Dala ulit siguro yung van na ginagamit lagi ng block namin kapag may pupuntahan etc. Nakinig muna ako sa ipod habang naghihintay. After the fifth song, parating na yung sasakyan. Bumaba si Giselle na nagmamadali, binalik ko tingin ko sa ipod ko to stop the music.

Giselle: Guys I'm so sorry! Wala kasi si manong driver every sunday kaya nag arkila pa ako ng driver natin.

Ahh. Kaya pala. Halos sabay sabay na sabi ng mga kasama namin.

Really huh.

Teka, parang kilala ko boses na yun a! Inangat ko yung tingin ko para makasigurado at di nga ako nagkamali. Siya nga!

Giselle: Hahaha! Well guys, meet my cousin slash our driver. Dwayne.

Pero di pa tapos magsalita si Giselle sumakay na sa driver seat yung unggoy. Arogante talaga.

Marco: Guys kabisado nyo pa ba yung daan sa starville subdivision? Yung nadaanan natin dati papunta sa bahay ni ma'am Fernandez?

Oo. Doon ba?

Kabisado ko kasi, doon nakatira yung isa sa relatives ng mommy.

Giselle: Yup! So ikaw na sa harap Jaymee ha. Turo mo sa DRIVER natin yung daan, doon tayo sa malapit sa club house. May magandang spot don.

Nilalakas nya talaga yung driver. Haha! Mapang asar. Wala na akong choice, umupo na ako sa tabi ng driver seat.

Pag upo ko, tumingin sya sakin at kumindat. Tinaasan ko sya ng kilay. Duh. Kala gwapo.

Habang nasa byahe, nag aasaran sila sa likod ako naman inaantok. 😑
Nakarating kami sa venue after uh 40 minutes?

Marco - Videographer
Me, Giselle, Jayson, Kelvin and Gio - Magbabarkadang matatakot.
Carla - White lady

Nagsisimula na kami. Lakad dito, salita dito. Etc.

6pm na rin nung natapos kami. Nakakapagod. Nakailang ulit din kasi di namin mapigilan tumawa minsan. Hahahaha!

Nung satisfied na kami sa sound and video, tumigil na kami. Dumiretso kami sa isang malapit na kainan para mag snack before umuwi.

After namin mag order, kwentuhan kami about sa next scene. Nasa harap ko si Dwayne tahimik tapos yung daliri ko biglang pinitik nya! Ang lakas!

OUCH!!!!

Tapos parang wala syang ginawa. Tumingin sakin lahat. Ang lakas talaga ng pitik nya. Naluluha akong tumingin sakanya.

Ano ba problema mo?!

Nagtatanong sila Giselle kung ano nangyari. Di ko nalang pinansin kasi dumating na yung food.

Huhuhu pero ang sakit parin. Di naman ako sanay na sinasaktan e! Never nga ako pinitik ng daddy eh! Huhuhu

Tapos may nag abot ng tissue, tinignan ko at may nakita akong note.

" Hey sorry. I didn't mean to hurt you. nagbibiro lang ako. Di ko sinasadya napalakas. "

Di ko pinansin.

May tissue ulit na pumatong sa kamay kong nasa table.

" Yung nguso mo oh. Sorry na po. "

Tinignan ko sya. Naiinis parin ako. Namumula naman kasi talaga yung pitik nya sakin.

Kumain nalang ako ng kumain. Di ko na pinansin. Gusto ko na rin umuwi eh. Napahinto ako sa pagkain nung ako nung may lumapit na waiter.

Excuse me po. Si Ms. Arvil po?

Teka bakit Arvil? Bihira ako tawagin sa Arvil eh.

Yes why?

May sinerve syang ice cream at may note na "Sorry" sa chocolate na nasa ibabaw.

Napatingin ako kay dwayne na nakatingin sa ibang direksyon.
Nag smile ako sakanya. Di naman sya nakatingin eh. Hahahaha! Ang cute at chocolate flavor kasi e. Kahinaan ko to eh! 😍 Nilantakan ko yung ice cream, di ako namigay. Nagsi-order din naman sila kasi mga nainggit. Hehe! Heaven kasi ang sarap!

On our way home, hinihila na ako ng antok. Nasa front seat pa rin ako. Idlip muna ako, ako naman ang last na ihahatid eh. Kasi lahat sila halos nasa dadaanan lang ang mga bahay.

Nanaginip ako na may pusang tumutusok sa pisngi ko. Meoowww.. 😍

Hoy! Gising na!

Mamaya na daddy

Isa pa, kapag di ka gumising pipitikin kita.

Pipitikin.. Pipitikin?!

Napamulat ako bigla! Nakita ko mukha ni Dwayne naka ngisi malapit sakin.

Hoy! Anong gagawin mo sakin!

Hinipan nya mukha ko.

Ano ba! Yuck!

Baba na.

Pagtingin ko sa bintana bahay na namin. Bumaba ako at nagwave lang tapos umalis na siya. 'Di na ako nakapag paalam kay Giselle. Tulog din kasi ang loka loka. Pagpasok ko ng bahay dumiretso na ako sa kwarto ko. Sobrang nakakapagod na araw.

MV5BY2E1ZGViYTgtYzY0Ni00NDdiLThhZjAtYTcyZWMxYTA0NzA0XkEyXkFqcGdeQXVyNzU1NzE3NTg@._V1_CR0,45,480,270_AL_UX477_CR0,0,477,268_AL_.jpg
Image source

Dear Diary,

Sobrang nakakapago araw na 'to! Nakakatawa kasi si Carla na gumaganap ng white lady eh dinapuan ng insekto kaya sa halip na patapos na kami ulit nanaman. Grabe sakit ng tiyan ko kakatawa kasi bigay na bigay na acting namin!

Tapos itong si Dwayne, pinitik yung kamay ko. Ang sakit talaga kanina, sensitive na kung sensitive pero kumpara naman sa daliri nung lalakeng 'yon diba? Hay nako.

Pero natapos din ang araw. May nagawa na kami, next set sa bahay na nila Giselle para mag "spirit of the glass" daw kunyare. Creepy!

Oh, Tulog na ako ha. Maaga pa ako bukas.

Love,
Jaymee

Itutuloy..

image.png
#steemitfamilyph #steemph #manila

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center