Dear @Mallowfitt Bromance...Di ko kayang Tanggapin ( Steemitserye 2nd Edition-Part 2 )

Dear @Mallowfitt

Sabi nila @sunnylife, @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika, @lunamystica at si @jemzem. Ikaw daw ay malupit kung magpayo sana naman ako po ay iyo ring matulungan.

Ako po si Sarah, nasa sitwasyon po ako na hindi ko alam ang aking gagawin, dahil ang lalakeng mahal pala ay nag "li-lipstick" din.

(Balikan natin eksena sa condo)Nakita Kong kahalikan ni Gerald ang matalik niyang kaibigan si Ronnie (si Ronnie na makati pa pala sa gabi) Siya pala yung dahilan ng sobra niyang pagtangis noon. Gusto Kong sumigaw pero walang lumalabas na boses, sumandal sa pader (nag walling ) at tinakpan ang aking bibig, nagmadali akong lumabas at doon gusto kong masuka! nandiri, iiyak pero walang luhang lumalabas sa sobrang galit!

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Tumakbo ako palayo sa condo ayokong makita nila na natuklasan ko ang kanilang lihim. Sa pagmamadali ko sa pagtakbo naputol takong ng 5 inches na pula kong sapatos napasigaw ako ng "Lord ano bang kasalanan ko!" Hinubad ko na lang ito at iniwan ko, pero may lalakeng pumulot at sa akin ay ihahabol ito ngunit hindi ko na nilingon at pinansin (istorbo sa drama ako ay emote na emote na )

Pagadating sa bahay buti walang aking nanay dahil ayaw kong makita niya na mukha akong hinalay ng buong baranggay. Ako ang taong nagtatago ng problema, sinasarili at kinakaya. Malalim na ang gabi ngunit hindi ako makatulog maya maya tumunog aking telepono si Gerald tumatawag, sasagutin ko ba? Ayaw ko muna siyang kausapin hindi ko alam kung anong sasabihin. Ako ay nanalangin: Sabi ko "Lord, bigyan Niyo ako ng lakas ng loob upang siya ay makaharap at kausapin".

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Kinabukasan ako ay pumasok sa opisina kahit mugtong mugto aking mga mata (kailangang kumayod ng ating bida walang personalan trabaho lang maraming babayarin). Habang ako ay nakatalikod at may hinahanap na files may yumakap at humalik sa aking leeg at bumulong ng ...." I love you baby " si Gerald nagulat ako at siya'y naitulak dahil naalala ko ang shocking na ganap." What's wrong? kagabi din di mo sinasagot mga tawag ko?" di ako nagpahalata. Sabi ko "masakit ulo ko tapos nakatulog na ako".

Sabi niya "let's have dinner later baka stress ka na" Di niya alam kung gano ka stress ang aking nararamdaman, parang sasabog ang dibdib ko. Pagdating sa resto at inaantay ang order, siya ay aking pinagmamasdan at hindi ko mapigilan ang sinasabi ng aking damdamin, ang gwapo niya mapulang labi makinis na mukha, yung tipong maginoo pero medyo bastos ang dating, malambing at mahal na mahal ko pa rin siya. Walang duda sa piling niya ako ay masaya.

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Sabi niya "I will just go to the restroom" may biglang tumunog naiwan niya ang kanyang phone may nag text sa kanya Hindi ko Sana babasahin ngunit, subalit, datapwat, marahil ay tama ang hinala ko kaya babasahin ko na rin..from Bb: "Gerald baby, I will see you later after your dinner with her, I love you muwah!" as in capital HUUWWAATT!!!??? Bb as in baby din ang tawagan nila? Hindi ko na kayang itago nararamdaman ko mga beshy! Ako ay naiihi na na e-elyas kasilyas! This is it pancit!

Pagbalik ni Gerald sa table hinila ko siya agad palabas wala ng patumpik tumpik pa ipinakita ko agad ang text ng BROMANCE niya at sinampal ko ng mag-asawang sampal. pak!Pak! (Oo mga beshy kulang pa nga ang mga sampal na yun dahil kamag-anak ako ni Pacquiao )

BlogPostImage
Image Source(direct link to img)

Tanong ko "Bakit? Nagawa mo sakin ito! Bakit nagsinungaling ka sa pagkatao mo? Hanggang kailan mo sana itatago sakin to, pinaglalaruan mo ba ako? "Siya ay humagulhol sa pag iyak at ang sagot niya, "Sorry, I'm so sorry natakot ako na hindi mo ako tanggapin,na hindi mo ako mahalin, Mahal kita. Hindi Kita niloloko. Iniiwasan ko na siya pero pilit siyang lumalapit at bumabalik. Gusto ko siyang kalimutan. Kung Mahal mo ako tutulungan mo ako, hindi ka susuko hindi mo ako iiwan."

Ang hirap di ko alam kung anong gagawin. Napaisip ako ng malalim parang hindi ko kakayanin na makihati o makikompitensiya sa isang Ronnie na mas mahaba pa ang hair kesa sakin? Hanggang kelan niya kayang iwasan at hindian ang isang Ronnie na makati pa sa gabi? Nasaan ang natitirang pride sa akin na babaeng may matris?
Sabi ng isip ko tanga ka na lang kung pagpapatuloy mo, pero sabi ng puso ko mahal ko siya at ipaglalaban ko sige, one last chance?

Nagmamahal,
Sarah

Ito Ang ikalawang yugto ng buhay ni Sarah, mahirap. Hindi ordinaryo ang kanyang lovelife. May last chance kaya si Gerald o hindi na niya talaga kayang tanggapin?

Ipapaubaya ko ang ikatlong bahagi ng steemit serye 2-edition Kay @iamdeth dahil tatatlo nalang ang natitira kong bangz. Nasa kanyang mga bangz naman ang kapalaran ni Sarah.

Maraming salamat @sunnylife sa pagtitiwalang makakaya ko ang magsulat sa pangalawang edition ng steemitserye. Maraming salamat sa paguubos ng bangz ko at lalong paglapad ng noo ko. Maraming salamat din kina @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika, @lunamystica, @jemzem

Hindi ko akalain na may magsusubaybay din sa aking kwento sa steemitserye.

God bless us all steemians!

Please support @surpassinggoogle by voting him as witness and support steemgigs too

(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

and let us also support @paradise-found by voting gratefulvibes.


(Photo credits: mam @sunnylife)

Thank you very much and God bless. :-)

Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG


(logo created by @bloghound)

I am Marilou Avecilla Choy, a.k.a @mallowfitt and I am a proud Ilocano Steemian :-)

(credits to @jhunbaniqued)

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now