Magandang buhay po sa lahat!
Atin pong subaybayan ang napakagandang boses ni DJ Jelly @jennybeans na animo'y angel na bumaba sa lupa mula sa langit upang magbigay buhay sa ating mga radyo. Hahaha. Wala pa po sariling istasyon sa radyo baka hanapin niyo kung anong istasyon siya. Hahaha. Hanep nga si DJ Jelly dahil sa steemit agad unang labas niya. Nakakaproud siya. Naging tuloy tuloy career niya. Nagsimula siya sa #steemitserye hanggang sa #steemitdora. Tapos heto siya ngayon nabigyan ng napakagandang break ang #radyoserye. Hahaha. DJ Jelly @jennybeans gorapush at keribels yan. Dadami na love letter sender mo nito. 😀😀😀
Sa mga nahuhuli sa mga kaganapan, tunghayan niyo po ang kauna-unahang labas ni DJ Jelly @jennybeans.
Napakaganda ng boses ng ating DJ. Siguradong mabibighani kayo. Ano pa hinihintay niyo? Punta na kayo dito para malaman niyo rin na totoo mga sinasabi ko. Mamaya niyan susulat rin kayo sa kanya.
Siyanga pala, di ako maka move on ky @jennybeans dahil sa unang sulat ko sa kanya. Naloka ako dun. Hahaha. Hindi niya nakayanan ilathala sa kanyang #radyoserye. Hahaha.
Sana ang ikalawang bahagi ng aking sulat ay kanya ng mailathala. Hahaha
Dear DJ Jelly,
Magandang buhay po saiyo. 😀 Dami kong tawa saiyo DJ Jelly. Hindi mo talaga nailathala ang una kong sulat. Hahaha. Sana po ngayon ay ilathala mo na. 😀 Eto na po ang karugtong ng kwento.
Akala ko noon DJ Jelly hindi ko na mahal ang una kong kasintahan. Nagkamali po ako. Dahil sa ikatlong pagkakataon naging kami ulit. Pareho na po kami nun nagtatrabaho. Kaso nga lang sobrang layo sa isa't isa. Siya nasa Luzon ako naman ay sa Visayas. Nagkikita lamang kami ulit nun nagkataon na pareho kaming nasa bakasyon nun nakaraang pasko. Hindi ko lubos akalain na yun din ang tuldok sa aming relasyon. Hindi naman po kasi ako tanga. Hindi naman tulad ng dati sweetness namin. Alam mo ba DJ Jelly na magkaharap kami tapos telepono niya pinagkakaabalahan. Dahil sa hindi na ako nakatiis hiniram ko phone niya. Ngunit di niya pinahiram agad meron pa daw siya replayan. Ang totoo pala DJ Jelly binura niya mga mensahe doon. Laking pagkakamali niya hindi niya binura lahat ng sent items niya. Eto nabasa ko: Huwag ka mag-alala diyan ako mag bagong taon. Pinadala po niya ang mensaheng yun ky Marianko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bakit Marianko? Pag-aari niya ata un. Tinanong ko siya kung sino si Marianko. Sabi niya ate daw niya doon sa Manila. Alam ko naman pong hindi totoo ang sinasabi niya eh. Kaya hindi ko siya tinigilan hanggat hindi nagsasabi ng totoo. At napilitan na ngang umamin. Kasintahan daw niya sa Manila dati niya kaklase nun hiskul sa Visayas. Yun daw ang nagpasaya sa kanya dun habang malayo ako sa kanya. Sobrang sakit DJ Jelly parang paulit-ulit niyang sinasaksak puso ko. Bakit hindi pa ako natuto. Sa ikatlong pagkakataon sinaktan niya ako ng todo todo. Ayaw ko na makita ang pagmumukha niya. Kinasusuklaman ko siya. Mula noon po DJ Jelly wala na akong balita sa kanya. Ayaw ko na rin makibalita kasi naaalala ko lang ang sakit at pait na naidulot niya. Mula noon sinubsob ko sa trabaho sarili ko. Hindi ko na inintindi mga nanliligaw sa akin. Hindi na rin ako nagseryoso sa lalaki. Fling-fling na lang kumbaga. Yun meron ako makikilala tapos makikipag date. Hanggang doon lang DJ Jelly hindi ko kasi makita sa kanila ang katangian ng lalaki na hinahanap ko. Masyado akong naging mapili DJ Jelly. Hindi ko akalain na magiging nobyo ko katropa ko. Hindi ko rin alam na malayo ko pa pala siyang kamag-anak. Tama po DJ Jelly pinsan ko pa pala siya. Hindi ko po yun alam pero siya alam niya na malayong kamag-anak pa kami. Pero hindi niya sinabi dahil baka hindi ko daw siya sagutin. Ang saklap naman DJ Jelly. Minahal ko rin kaya yun. Subalit nun malaman ko na kamag-anak ko pa siya. Nakipaghiwalay na ko sa kanya. Di ko matanggap yun DJ Jelly kung kelan naman na meron na nagmamahal sa akin ng totoo hindi naman maaari. Wala talaga ata akong swerte sa pag-ibig DJ Jelly. Nagpakalayu-layo po ako. Hanggang sa meron ulit akong nakilala. Parang ang bilis ng mga pangyayari at naging kami. Hanggang sa nagtrabaho siya sa ibang bansa. Ngunit di namana namin nakayayanan ang pagiging malayo namin sa isa't isa. Hindi rin po kami nagtagal. Kaya single ulit ako. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa buhay pag-ibig ko sinubukan ko maghanap online. Sa una maraming mga loko pero di ako nagpaloko. Di kalaunan nakahanap din ako ng tapat at totoo. Naging magkaibigan kami sa una. Kwentuhan sa mga buhay buhay. Hanggang sa napagpasyahan niyang pumunta ng Pinas. Sobrang na excite ako sobrang tuwa na pagkatapos ng maraming taon na sa screen lang kami nagkikita sa wakas nagkita na kami ng personal. Sa araw ng kanyang pagdating sa Pinas ay sinundo ko siya sa paliparan. Meron pa po ako dala dalang napakalaking banner na pangalan niya para sa mainit kong pagsalubong sa kanya. Wala po halikan sa una naming pagkikita DJ Jelly. Hahaha. Yakap lang po na sobrang higpit. Hinatid ko na po siya sa hotel na tutuluyan niya. Dalagang Pilipina po ako DJ Jelly. Ako po ay mayumi at maganda. Hahaha. Ano yun di ko naintindihan? Hahaha. Tig-isa po kami ng kwarto DJ Jelly. Sobrang gentleman po niya DJ Jelly. Nakakainlove lalo plus ang puti at gwapo pa niya DJ Jelly. Kung ayain niya ako magpakasal. I do ako agad. Hahaha. DJ Jelly isang gabi lang kami namalagi sa Manila. Kinabukasan lipad agad kami ng Tacloban. Hanggang sa nakarating sa amin. DJ Jelly ang lagi po niya kinakausap sa bahay ay sina nanay at tatay. Pinagpapaalam niya ako sa mga magulang ko. Hinihingi na kamay ko at dalhin niya pag-uwi sa bansa niya. Teka lang di ako payag diyan kung kamay ko lang ang hingin. Mapuputol mga kamay ko pagnagkataon. Hahaha. Parang tatawa at maiiyak ata ako. Eto na ata ang pag-ibig na para sa akin. Pagkatapos po ng pag-uusap nila ng mga magulang ko ay sobrang saya ng honey pie ko. Napapayag niya sila inay at itay na sumama ako sa kanya total matanda naman ako. Hahaha. Kaya inayos namin mga papel na kailangan ko DJ Jelly. Hanggang sa na aprubahan naman. At nakasama ako sa kanya sa kanilang bansa. Mga tatlong buwan po ako namalagi. Ayos naman naging buhay namin. Dahil nakilala na namin ang isa't isa nagyayaya na siya magpakasal. DJ Jelly sobrang saya ko sa wakas ikakasal na rin ako ang matagal ko ng pinapangarap. Pagkatapos ng tatlong buwan umuwi po kami ng Pinas. Sa Pinas kami unang nagpakasal at nagpakasal din kami sa bansa niya. At ngayon DJ Jelly kami ay binayayaan ng kambal na anak. Babae at Lalaki po DJ Jelly. Pwede na kahit dalawa lang anak namin. Hahaha. Salamat sa Diyos na natupad na hiling ko sa kanya ang magkaroon ng masaya at magandang pamilya. Minsan lang po kami makauwi ng Pinas DJ Jelly pero siyempre sinusulit namin ang mga araw ng bakasyon namin. Napakasaya rin ng pamilya ko para sa akin dahil nagkaroon ako ng mabuting asawa.
Hanggang dito na lamang po DJ Jelly.
Nagmamahal,
@shikika
Sana po meron nakuhang aral ang ating mga tagapakinig. Hahaha.
Maraming maraming salamat po DJ Jelly sa pagbabasa ng aking kwento. Mga kathang isip po lamang ang kwentong yan. 😉 Hanggang sa muli. 😀
Sa mga gusto pong magbahagi ng mga kwentong buhay pag-ibig magpadala lamang po kayo ng sulat kay DJ Jelly @jennybeans. 😀
I am very grateful of everything. 😘😘😘😀😀😀💖💖💖
Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! 😀😀😀
Everyday is worth to be grateful of!
How about you? What's your #gratefulvibes story for today? Join the #gratefulvibes community challenge of @paradise-found as it is extended forever. You can share yours and show to Steemit world how grateful you are. Feel free to comment and share. See you around! 😀😀😀💖💖💖
I am inviting everyone to join us at,
Gratefulvibes Community Discord Server
Steemgigs Discord Server
Steemitserye and Steemitdora Full Force
Let the #teardrops of gratefulvibes begins! 😀💖
P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:
Yours truly,
@shikika with much love 💖💖💖😀😀😀
Keep steeming! 😀😀😀