"Artipisyal na Pagmamahal" : Filipino Poetry

20180531_190345_0001.png

"Artipisyal na Pagmamahal"

Nabuo itong pagtitinginan sa pagbuklat nang kabanata
Mga mata'y di akalaing nagtugma
Guhit ang kagalakan sa ating mga mukha
Sa puso'y pag-ibig pala na hindi inakala

Ako'y nahamak sa kanya napamahal
Kahit di kilala puso'y umaangal
Mabilis na panahon sa kanya bumabagal
Ang hirap umahon sa lalim nitong pagmamahal

Di nagtagal sa isa't isa nakipagkamay
Lubhang kasiyahan sa akin nagtataglay
Itong palagay hindi naranasan buong buhay
Nangangarap na sanay walang lumbay

Unti-unti kahit papaano kami'y nagbabaga
Ako'y napaligaw hangad ko maging sinta
Umaalab itong damdamin puno ng gana
Alay buong mundo basta kaligayahan matamo niya

Napatango ko siya nagpasalamat sa nag-iisang banal
Bulaklak laging dala binabantayan wari'y akoy kawal
Lahat lahat ginawa para sa nag-iisang mahal
Ngunit ang akala kong totoo yun pala'y isang pagtatanghal

Napaglaruan ako sa kabiguan sumasabay
Tanga ako siya'y minahal na ang pagmamahal sakin di tunay
Artipisyal lang pala at ako'y sawing bagay
Sa pagsulat ng kasunod na kabanata'y sa kanya inialay

Maraming salamat sa pagbasa mga katropang steemians at magandang araw

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center