Magmahal Ka -- A Filipino love Poem


Image Source


Magmahal Ka

<•••>

Mula sa kung saan nagpang-abot ang dagat at lupa,
Magmahal ka kagaya ng araw sa buwan,
Kagaya ng gamumo sa lampara,
Kagaya ng takip-silim sa dapithapon,

Magmahal ka sa merkado at daan,
Kahit tangan mo ang palad ng iilan,
Magmahal ka, sa kung saan kayo nag-iinuman,
Magmahal ka muna bago ka makipaglaplapan,
Magmahal ka sa paaralan
Kahit titser mo'y kay sarap sabunotan,

Mamahal ka kahit sa salita man lang,
Kagaya ng simuno sa panaguri,
O magmahal ka sa gawa,
Katulad ng mga nasa picket line na manggagawa,

Magmahal ka sa ilalim ng pasistang iilan,
Magamahal ka sa ilalim ng pinunong iyong pinaglalaban,
Magmahal ka sa pamamagitan ng iyong ideyolohiyang pinaniniwalaan,
Magmahal ka kahit ang bansa mo'y niyoyorakan,

Magmahal ka kagaya ng asin sa paminta,

Magmahal ka kahit lahat ng itoy di mo
Madama, marinig o makita,

Magmahal ka gamit ang dunong, pulso at bawat pintig ng puso,

Magmahal ka dahil ito lang ang kasagutan.



H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center