"Ipagpapalit ko ang Mundo"
Sabihin mo lang mahal ko.
Aabutin ko ang pinakadulo
Makuha lang ang matamis mong oo.
Lahat ay gagawin ko para sa'yo
Sabihin mo lang mahal ko
Kahit isang salita lang ang sabihin
Agad-agad ito ay aking gagawin
Ibigay man lahat ng bagay sa mundo
Hindi ko ipagpapalit ang tulad mo.
Dahil ikaw ay mas higit pa sa ginto
At wala ng ibang hihigit pa sayo.
Ang tulad mo'y di na dapat pakawalan
At hindi na dapat pang bitawan
Ituturing ka tulad ng isang prinsesa
Ipapakita ko sa'yong ikaw ay mahalaga.
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.