Ano nga ba ang estado ng ating bansa?
Andaming nagsasabing masagana naman daw tayo - sa larangan ng ekonomiya, at iba pa. Ang tanong lang ng nakararami. Sino ang nakakaramdam ng kaginhawaang dulot ng paglago ng iilang aspeto ng ating lipunan?
Image Source
Iilan lang ba?
Andami kong nakikitang iba't ibang taong nagpapalabuy-laboy sa lansangan - walang permanenteng tahanan o di kaya ay wala talagang matitirhan.
Andami ko ding nakikitang mga taong tumatakbo sa serbisyo publiko pero anggagarbo ng mga tinatamasa sa buhay.
Sobrang laki ng kaibahan ng mahirap at mayaman - kasalanan ba ng mga tao kung bakit sila naghihirap? O sanhi lamang ito ng kasakiman ng iba.
Walang Katapusan Debate
Mas mainam bang talikuran mo ang mga namamalimos upang tigilan nila ang gawaing ito at humanap ng ibang paraan ng ikakabubuhay? O mas nanaisin mong bigyan sila ng kaunting abuloy sa patay nilang bulsa?
Sabihin na nating nasa prinsipyo mo ang tumulong pero hindi ka tumutulong sa panlilimos - nasasabi mong tamad sila. Sabihin na nating - ikaw lang ang nilimusan nila ng araw na yun - kumakalam ang kanilang sikmura at may sakit silang malubha - nagpakumbaba sila pero hindi mo inabutan - nagdahilang magmamadali ka - wala kang barya. Dahil dun hindi na sila nagsubok humingi sa iba - dahil napahiya na sila - lalo nilang hinamak ang kanialng sarili dahil kahit na pait na pait na sila sa pagpapakumbaba sa panglilimos ay lalo pa silang nakararamdam ng pait dahil may mga taong kaya silang balewalain at hindi kaawaan.
Kinabukasan naibalita sa telebisyon ang isang matandang ale na namatay sa karamdaman at sa gutom. Namukhaan mo. Naalala mo. May barya ka naman sa bulsa - pamasahe, otso pesos - pero kayang lakarin. May pangmeryenda ka - pang-Jollibee - pero mayron ka pang pagkain sa bahay , tatlong klase pa ng ulam ang pwede mong initin. Pero yung ale, wala kahit ano - kahit dignidad nya tinapon na nya upan mabuhay pa sya.
Tinatapos ko ito dito.