Dumaan makapal na ulap,nagdilim kalangitan.
Hangin ay lumakas mga dahon ay nagliparan.
Mga ibon sa mga puno animoy nag aawitan.
Tila nagbabadya na ang pagdating ng ulan.
Sa bintana sumilip mga patak ay pinagmasdan.
Hindi ko gusto tuwing sumasapit ang tag-ulan.
Parang ako'y may nadaramang kalungkutan.
Nagumpisa ito noong ako ay kailangang lumisan.
Lumayo ako noon at iniwan kang luhaan.
Muling nagbalik itinuloy ang pagmamahalan.
Ngunit madalas tayo ay nagkakatampuhan.
Ito'y nangyayari sa panahon ng tag-ulan.
May pagkakataon na papunta na sa hiwalayan.
Nakakapagod narin at wag ng pag aksayahan.
Ngunit sabi mo mahal mo ako at di bibitawan.
At sa gitna ng malakas na ulan tayo ay naghabulan.
Mga di magandang pangyayari o kamalasan.
Sa buhay ko'y sumasapit sa tuwing tag ulan.
Ano bang meron laging ako'y nagiging luhaan.
Nagkakataon lang ba o sadyang kapalaran.
O Diyos ko dasal ko sanay iyong pakinggan.
Alisin pangamba sa dibdib kong nararamdaman.
Ang pakiramdam na ito'y matanggal sana naman.
Dahil paparating nanaman ang panahon ng tag-ulan.
Image Source(direct link to img)
Malapit na naman ang tag-ulan, at ang tulang ito'y aking nagawa dahil naiisip ko na naman ang mga kaganapan tuwing umuulan. At sana'y kahit ano pa man ang panahon, lagi tayong magpasalamat sa Diyos dahil lagi Niya tayong ginagabayan at sinasamahan, tag-init man o tag-ulan, andiyan lagi ang ating Diyos. :-)
Thank you for your time in reading my poem. God bless us all, my fellow steemians. :-)
Please support @surpassinggoogle by voting him as witness and support steemgigs too
(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
and let us also support @paradise-found by voting gratefulvibes.
(Photo credits: mam @sunnylife)
Thank you very much and God bless. :-)
I am Marilou Avecilla Choy, a.k.a @mallowfitt
Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG
(logo created by @bloghound)