Ang Paborito kong Alaala | "Naaalala Ko Pa..."

Image result for Batang 90's words
Pinagmulan ng imahe
Ako ay ipinanganak noong ika-30 ng Hulyo sa eksaktong taong 1990 kaya naman pasok ako sa banga upang mapabilang sa "Batang 90's". Sa panahong ito, napakasarap balikan ang ilang mga bagay na nagpapasaya sa iyong kabataan. Kapag bata ka, mababaw lamang ang iyong kaligayahan. Mayroon akong 3 laro na nais ibahagi noong kapanahunan ng aking kabataan.

No automatic alt text available.
Pinagmulan ng imahe

Image result for laro ng batang 90s
Pinagmulan ng imahe
Napakasaya ko na noon magkaroon lamang ako ng piso na bigay ng aking Mama o kaya naman ay tira mula sa aking baon na limang piso. Masaya na ako sa mga mumunting laruang papel na ito na nakahulmang manyika. Kada magkakaroon ako ng kaunting barya ito agad ang aking binibili. Naaalala ko pa noon, pupunta pa ako sa tindahan Ni Aling Mila kung saan manghihingi ako ng karton ng Tipas Hopia upang aking paglagyan ng mga binibili at kinokolektang mga laruang papel. Iba ang dulot nitong kaligayahan sa akin noon. Mas nalalaro ko lamang ito sa mga ganitong panahon noon, tag-ulan, mga panahong minsa'y ayaw akong payagan ng aking Mama upang maligo, magtampisaw at maglaro sa ulan kasama ng aking mga kaibigan.

Image result for laro ng batang 90s
Pinagmulan ng imahe

Ito yung pangalawang gusto kong laro o mas tamang sabihin na gusto naming laro lalo na naming mga kabataang babae, "Piko". Sa larong ito mas mainam na maganda ang napiling iyong pamato at mainam rin na nakayapak dito o walang tsinelas na suot. Kahit gabi na masarap pa rin itong laruin. Huli ko itong nalaro kasama ng aking mga Ate ay noong ako ay nasa Hay Iskul.

Image result for laro ng batang 90s
Pinagmulan ng imahe

Parte rin ng aking kabataan noon na matulog sa tanghaling tapat dahil kung hindi ako matutulog, hindi ako bibigyan Ni Mama ng pangbili ng pagkain sa hapon upang aking meryenda. Matapos na kumain ng meryenda, magpapahinga ako ng kaunti, maya-maya pa'y magkakayayaan na ang aking mga kaibigan na maglaro ng "Pantintero". Isa ito sa ehersisyo ng mga kabataan noon dahil talaga namang pagpapawisan ka rito!
Masarap alalahanin ang mga ganitong panahon noon. Simple lamang ang buhay. Bata ka. Walang Problema. Kakain, tutulog at maglalaro, yan lamang ang gawain ko noon. Ngayon, nasa kasalukuyang panahon ako, isa na akong Ina. Anak ko naman ang naglalaro, kakain at tutulog, habang ako naman ang gagabay sa kaniyang mga ginagawa... Ito ang aking mga ala-ala na naaalala ko pa...

https://steemitimages.com/0x0/https://gateway.ipfs.io/ipfs/Qmdk2hJEGucnJDzS94dYKJmUV52XH8DBLptJfr3Bt3P45N

Ito ay aking bahagi ng pagsali sa patimpalak Ni Sis @romeskie. Ang aking nagamit na bilang ng salita ay 368. Maraming salamat Sis sa pagbibigay ng pagkakataon upang makagawa ng akda tungkol sa nakalipas na ala-ala ng ating kabataan!

https://steemitimages.com/0x0/https://gateway.ipfs.io/ipfs/Qmdk2hJEGucnJDzS94dYKJmUV52XH8DBLptJfr3Bt3P45N

♥♥♥ MOMtrepreneur ♥♥♥


https://steemitimages.com/0x0/https://gateway.ipfs.io/ipfs/QmSD8ZbBhDoxXttCgB1nFC8M867AV7x4AQaVZsehsijr1N

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center