Halina at tikman ang aking masustansyang pinakbet

DSC_0687.JPG

Dahil wala ako magawa kanina at wala pa naman ulam na pananghalian, nagluto ako ng paborito kong pinakbet. Sagana sa mga gulay dito sa amin dahil sa lawak ng mga sakahan, palayan at mga gulayan kaya naman gulay ang pangunahing pagkain pagdating dito sa amin. Mayroon itong talong, sili, ampalaya, sitaw, okra, kamatis, bunga ng malunggay, patani at sahog na tinapa.


Bukod sa mga masusustansyang gulay ay ito talaga ang nagbibigay ng kakaibang sarap sa lutuing pinakbet:

DSC_0681.JPG

Baggong na isda! ito ang nagpapasarap sa mga lutuing Iloko gaya na lang ng pinakbet at dinengdeng. Hindi makukumpleto ang masarap na pinakbet kung wala ang secret ingredient na ito.


Kaya naman kahit simple lang ang pagkain ay talaga namang mapapa WOW ka sa sarap. Halina kayo at nang matikman ninyo ang aking masarap na pinakbet!


Sana ay nagustuhan ninyo ang aking post ngayong araw. Maraming salamat po.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center