Hindi ka nag iisa
[SPG]
"May nakatingin. Ramdam na ramdam ko nakatingin sya sa akin. Nagmamasid. Nagbabantay."
Ako si Rhea. Teenager na binayayaan ng ikatlong mata. Madalas makakita ng mga bagay bagay na maging ako hindi rin maipaliwanag. Tahimik ako. Loner. Mas pipiliin na magbasa ng libro kesa ubusin ang paglalaro o sa pakikipagkaibigan. Sa gantong paraan kasi nalilibang ko na ang sarili ko pero ngayon naglakas loob ako na ishare ang mga karanasan ko gamit ang third eye na meron ako.
3am. Ou alas tres ng madaling araw. Oras na kadalasan ipinapakita sa mga horror movies, local man o international. Totoo naman kasi yan. Isa akong buhay na saksi para patunayan yan.
Ewan ko ba kasi tuwing alas 3 ng madaling araw eh nagigising ako sa di malamang dahilan. Araw araw yan simula noong bata pa ako. Minsan magigising nalang ako sa sobrang lamig na pakiramdam o di kaya sa mga masasamang panaginip hanggang sa hindi na ako makakatulog. Magbabasa nalang ako ng libro para malibang at makalimutan ang mga kababalaghan.
Alas tres ng madaling araw. As usual. Nagising ako. Pawis na pawis. Hinahabol ang hininga. Masamang panaginip na naman. Tumayo ako at bumaba papuntang kusina. Habang naglalakad ako alam kong may nakatingin. Ramdam na ramdam ko nakatingin sya sa akin. Nagmamasid. Nagbabantay."
Nakatayo sya doon sa may haligi na bahay namin malapit sa pintuan. Nakatitig. Tipong yung bawat hakbang ko binibilang maging hininga ko tinitignan. Hindi ko naman sya pinapansin. Alam kung andoon sya. Kita ng peripheral vision ko yun. Nga lang hindi naman ako matatakutin kaya hinahayaan ko nalang din sya.
Alas tres ng madaling araw. As usual. Bababa ako at kukuha ng maiinom. Malayo palang ako eh ramdam ko na ang presensya nya. Andoon na naman sya nakatayo sa haligi malapit sa may pintuan. Nagmamasid. Diretso lang ang lakad ko. Ayoko man pansinin subalit noong tagpo na yun ay tinignan ko sya. Isang batang lalaki. Maputik at may mga dugo sa katawan. Bigla akong napatigil. Gusto ko syang lapitan. Kausapin, subalit hahakbang palang ako papalapit sakanya ay sya din namang hakbang palabas ng pintuan.
Minsan, kapag alas 2 ng hapon kapag naliligo ako. Bigla nalang akong mapapatigil dahil sa mga tawanan na naririnig ko sa aking likuran. Tawa ng batang naghahabulan,nagsisigawan. Mapapatigil ako. Titigil din sila. Hanggang sa minsan hindi ko narin mapigilan na pangilabutan.
Tama nga siguro ang sabi ng lola ko. Na hindi tayo nag iisa. Na lagi tayong may kasama. Nakamasid. Nagbabantay. Hindi lang natin nakikita pero madalas natin nararamdaman. Lola ko din ang nagsabi sakin na matulog na nakapatay ang ilaw. Bukod sa tipid kuryente eh, Mas nakakaakit daw kasi sa mga kaluluwang ligaw ang maliliwanag na lugar lalong lalo na ang mga kwarto.
Nakuwento din nya na sakin na yung loteng nabili ng mga magulang ko eh dating tapunan ng mga naagas na baby. Kaya daw siguro binenta iyon sa murang halaga.
Ngayon, patuloy parin akong nakikipag buno sa mga kaluluwang ligaw. Sa bata na nakikita ko tuwing madaling araw. Pinipilit ko silang kausapin subalit sila ang lumalayo sa akin.
Rhea
Others