Pinagkuhanan ng Imahe
Irog kong bayang sinilangan
Perlas na katangi-tangi sa silanganan
Hinubog ka ng pait at tamis ng kahapon
At patuloy na nagbabago sa pagdaan ng panahon
Minsan napapansin ko sa gunita na ika'y napapagal
Sa pagpupumilit na ang pag-ibig sa'yong mga anak ay magtagal
Ngunit ang mga paslit na palalo at hindi matuto-tuto ay pawang mga hangal
Isinaalang-alang mo pero binabalewala na lamang nila ang itinangi mong dangal
San kaya hahantong ang mga bagay-bagay na nangangyayari - at posible pang magpatuloy
Hinihimok yaong mga paslit ngunit kaunting saway ay nagrerebelde at nagiging mga batang palaboy
San hahantong ang pagtitiis at pagdurusang patuloy mong iniinda ng walang hinihinging kapalit at walang anu-anoy...
Ibinibigay sa'yong mga mahal na anak nang walang pakundangan at walang pagaalinlangang sinasalo ng pusong sa pag-ibig ay nag-aapoy...
Isang orihinal na tulang isinulat sa 'creative' na paraan - kung iyong mapapansin ay pahaba nang pahaba ang bawat linyang naisulat pagkatapos ng huling linya.
Sana'y nagustuhan ninyo!