Maging Matapang Sa Pagharap ng mga Problema Sa Buhay

cuba-1197800__340.jpg
Img Pixabay

Ang ating buhay ay parang sasakyan, nasa iyo kung hihinto ka o kaya'y magpapatuloy sa pagmamaneho hanggang maabot mo ang iyong destinasyon.

Minsan akong naging duwag sa buhay ko. Halos di ko magawang labanan ang mga pagsubok na pumapaligid sa buhay ko.

Hindi ko inaasahan ang pagdating ng isang pagsubok na labis kong ipinagdadalamhati, ang pagkamatay ng aking pinakamamahal na ina.

Halos araw-gabi akong walang humpay sa pag-iyak dulot ng isang malaking delubyo , na labis na nagpapasugat sa puso ko.

Sinisi ko ang Diyos sa nangyari kahit hindi dapat siyang sisihin. Sinisi ko rin ang sarili ko kahit di ko kasalanan.

Pinasok ko ang mundo ng droga dahil sa paniniwala kong ito lamang ang tanging paraan para malutas at malimutan ang aking mga problemang patuloy na nagpapahina sa aking sarili.

Dahil sa pagkalulong ko sa ipinagbabawal na gamot, nakulong ako, at doon ko napagtanto, Bakit ako naging duwag sa pagharap ng mga problemang ito?

Nang malaya na ako, nagbago ako.

Humingi ako ng patawad sa Diyos dahil sinisi ko siya. Napagtanto ko na dapat hindi ka susuko sa buhay at magpapaapekto sa mga problema. Dapat ipagpatuloy ko ang aking paglalakbay upang maabut ang aking patutunguhan. At kong pumutok man ang iyong gulong, wag kang mag-alala, dahil mayroong mga "vulcanizing shop" sa iyong buhay na aayusin ka at tutulungan ka, ang iyong pamilya, mga kaibigan at higit sa lahat ang Diyos.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center