Literaturang Filipino: "Jeepney"

"Jeepney"
Orihinal na Likha ni @japh


Nangyari ang kwentong ito, isang taon palang ang nakaraan. Ako nga pala si Japh, isang engineering student sa isang unibersidad dito sa Cebu.


Bahay at paaralan – dalawang lugar kung saan mo ako palaging makikita. Boring, inaamin ko naman na hindi talaga ako mahilig gumala kung saan-saan.

Kaya kung iyong iisipin, sa madaling salita – isa akong boring na tao. Yun, saktong sakto. Buhay ako ngunit di naman talaga. Parang kinain na talaga ng lahat ng dementors ni Harry Potter yung kasiyahan ko. Pero nagbago ang lahat sa loob lamang ng isang araw.

Naaalala ko pa. 7:34 AM, Lunes, medyo makulimlim ang langit ng araw na iyon. Nasa loob ako ng jeep na papuntang Unibersidad. Kagaya ng dati, naka headset na naman. Namimili ako ng kanta sa cellphone ko. Ang angas talaga ng Twenty One Pilots. Pansamantalang tumigil ang jeep para magkarga ng pasahero. Medyo puno na yung jeep kaya yung bagong pasahero ay wala na talagang ibang choice kundi umupo sa dulo. Saktong sakto at kaharap ko pa. Nung una, wala lang.

Tingin nang tingin lang talaga ako sa cellphone hanggang napansin ko na yung bagong pasahero ay tingin nang tingin sa akin. Kaya gumanti ako siyempre, tinitigan ko rin. Pero nung tinitigan ko na siya, hindi ko na talaga maalis yung tingin ko sa kanya.

Sa totoo lang hindi naman talaga madalas humahanga sa totoong mga tao talaga, puro mga babae sa anime lang ako nagagandahan. Pero ang ganda talaga ng bagong pasahero na nasa tapat ko pa at nakatitig pa sa akin. Ayokong maglaway at baka sabihin niyang sira ulo ako.

Hindi pa doon natatapos ang lahat. Solved na solved na talaga ako na nakatitig lang siya nang bigla may tinanong siya sa akin. Nagulat ako at di ko narinig nung una kasi nakaheadset ako kaya tinanggal ko agad. “Saan mo nabili yang tshirt mo?”, tanong niya tapos nginitian niya pa ako. Diyos ko po..

May print kasi ng anime na Tokyo Ghoul yung tshirt ko, na ipinasadya ko lang sa isang print shop. Kahit nauutal, sinabi kong ako yung nagdesign. Siyempre, para plus points na ako pre.

Bigla nalang niyang sinabi na gusto daw niyang magpagawa. At binigyan pa ako ng number.

Sorry, ako pala si Mina. Ikaw?”, napakalumanay niyang sagot. Nauutal akong nagpakilala at nanginginig pang e save yung number niya sa cellphone ko.

Gusto ko man na ibuhos yung oras ko sa pakikipagusap sa kanya. Masaklap at malapit na akong bumaba. Nagpaalam na sana ako sa kanya nang tumawa lang siya kasi baba na rin siya. Tadhana na siguro yun, schoolmate ko pa.

Lumipas ang ilang araw at inuna ko pa talagang iprint yung tshirt niya. At doon nagsimulang magkabuhay ang mga boring na araw ko. Parehas kasi kaming fan ng mga anime. Naging magkaibigan kami at madalas ko siyang sinasamahan sa mga cosplay event na sinasalihan niya.

Sa tuwing binabalikan ko ang mga alaala namin ni Mina noon, napapangiti nalang ako. Malapit na kasi yung 5th monthsary namin. Sana’y magtagal pa kami.


Image Sources: 1 2 3 4 5

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center