Ang inspirasyon ng aking buhay

Lahat tayo, kadalasan ang ating inspirasyon ay walang iba kundi ang ating anak na iningatan ng siyam na buwan sa ating sinapupunan.

20180925_235230.png

Ang larawan po sa itaas ay ang aking nag-iisang anak noong cia ay isang buwan pa lamang. Ito yong panahon na kahit pagod ka na sa mga gawaing bahay masilayan ko lang ang aking munting anghel ay masaya na ako at kampante na. Ito rin ang panahon na ayaw lo siyang madapuan ng langaw o lamok na maaring magdulot sa kanya ng sakit na siyang dahilan ng pag-alala natin. Lahat kinakaya natin para sa ating inspirasyon na siyang nagbibigay sa atin ng ibayong lakas upang malabanan o malampasan lahat na pagsubok na dumarating sa ating buhay.
Bilang mga magulang obligasyon natin na ating pabinyagan ang regalo sa atin ng Diyos upang sila ay maging ganap na kristiyano. Ito yong mga panahon na nagdadasal tayo sa maykapal na sana sa paglaki niya ay may takot siya sa Diyos at magiging mabait at masunurin sa atin bilang magulang nila dahil walang kasing sakit kapag tayo at binabastos ng ating sariling anak.

received_1873425666040281.jpeg

Ang pagiging magulang ay hindi madali dahil kailangan natin silang turuan ng mga magagandang asal at mga turo ng Diyos upang hindi sila mapariwara. Ito ay dapat simulan na kung kaylan ay nakakaintindi na sila kung ano ang sinasabi natin.

20181010_230925.png.
Efeso 6:4

Ito yong sabi ng Diyos na kung magdidisiplina man tayo ay huwag natin silang paluin ng sobra kung hindi naman masyado malaki ang kasalanan bagkos ipaintindi natin sa kanila kung ano ang ginawa nila at kung bakit natin sila napalo.

Screenshot_20181010-140308.png

Ang larawan sa itaas ito ay kuha noong siya ay tatlong taon pa lang. Sa totoo lang, tinuturuan ko na ang anak ko noon kung ano yung tama at mali nuong siya ay isang taon na. Sa mga panahong ito sa pagkakaalam ko ang mga bata ay nakakaintindi na ng simpleng turo galing sa atin.

Ang mga larawan sa ibaba ito yong mga panahon na kailangan tayo ng ating anak na gumabay o umalalay sa kanila lalo na kung may mga sinasaluhan silang mahalagang okasyon sa kanilang paaralan. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ang tagal ko nagdesisyon na magtrabaho sa ibang bansa dahil gusto kong makita ang anak ko na lumalaki at magabayan o maalalayan siya sa kanyang paglalakbay.

received_728096167523635.jpeg

received_252227922301399.jpeg

Ako ay nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nasubaybayan ko ang aking anak sa kanyang paglaki. Nasa tabi ako ng anak ko noong mga panahon na kailagan niya ng isang ina na kakalinga sa kanya ngunit mas hanga din ako sa mga nanay na nakayanan nila ang lumayo para sa kinabukasan ng kanilang anak. Ngayon nandito na ako na malayo naghahanapbuhay para sa kinabukasan ni @kat.cassandra na isa na ring #steemian.

FB_IMG_1537339038023.jpg

Salamat po sa pagbabasa sa aking kuwento
Sana po ay maibigan ninyo. Ako po ay magagalak kung kayo ay magkokomento sa aking munting handog.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center