Narito ang aking inilalahok na HUGOT sa pa contest ni @lhyn na HUGOT-contest -10sbds-up-for grab, salamat sa iyong paanyaya ,nakakatuwa din ang ganitong hugutan . Kung nais nyo na makilahok basahin lang ang link .
https://steemit.com/hugotcontest/@lhyn/hugot-contest-10-sbds-up-for-grab
Kung nagmamahal ka,
alam mo ang salitang sakripisyo,
kung nagmamahal ka,
alam mo na mahirap pero masaya.
Ganyan ang pag ibig,
Nagmumula sa puso
Minsan ginagamitan natin ng sapat na pag iisip,
Pero kadalasan pinipili ang pinipintig ng puso
Bakit kaya ganun,
Kailangan ba talagang mamili ?
Kung sino sa kanila ang dapat mong ibigin?
Ganung sa sukatan ng yung pagmamahal,
Silang dalawa ang tunay na karapat dapat.
Ganito ang payo ni ina ,
Kapag nagmahal ka ,
Kapag umibig ka
Gamitin ang dalawang mahalagang regalo sa atin ng Diyos,
Ang ating isip at ang ating puso
Dahil kapag nagmamahal ka
Sadyang may kaakibat na sakrispisyo at kasiyahan
Kapag nagmamahal ka
Maraming pagdadaanan
Pero isa lang ang sinisigurado ko
Kahit paulit ulit tayong masaktan
Masarap pa din ang MAGMAHAL...❤
Thanks for dropping by!!!
❤Regine❤
#steemph, #steemitpowerupph, #gratefulvibes, #steemph-bulacan, #steemitfamilyph