Ikalawang Araw Ng Pag Propomote ng Hive Sa Lokal Content Creators | Inggo ( Ang Batang Makulit)

Nakadalawang araw na pala ako na nagre-reach out ng content creator na sasali sa Hive. Medyo nakakailang lang siya kasi personal na account ko ang gamit sa ganito haha.

pexels-pixabay-326576.jpg

Larawan Mula sa Pixabay:

Pero hopefully may makuha tayo in the future na mag join. Ngayong araw, may nakita akong picture sa isang Facebook group na sinalihan ko supporting Autism at yun ay ang AutismPH isang artwork ang pumukaw sa aking atensyon dahil narin sa ako ay nakakarelate dito.

image.png

Image Source

Wala lang anything related sa fatherhood nowadays mabilis na ako maka konek eh. Ayun na nga going back ang nakita kong content creator ngayon ay si Inggo

image.png

Ang mga artworks nya ay mga random pictures na minsan ay napapanahon. Kwela at makulay din ang kaniyang obra at kung ihahalintulad ko sa isang local hiver natin ay si @guri-gure iba nga lang ang style.

Nagpadala nalang din ako ng mensahe sa kaniya imbitasyon na tignan ang Hive gamit ang idea na nagmula kay @scion02b.

Tignan natin kung magkakaroon siya ng interest na silipin ang blockchain na ito at hopefully ay sumali din at idagdag ang Hive sa kaniyang social media.

Ang target ko ay sana sa mga susunod na araw ay isang content creator mula sa Facebook o Tiktok ang ating mapaldahan ng mensahe, magkaroon ng mini onboarding webinar kung maging interesado man sila at maging parte sila ng komunidad.

Medyo off nga lang para sa akin dahil madalas gamit ko ang personal kong account sa pag-iimbestiga. Pwede mong basahin ang link na ito Playing Hive Detective | The Case of Identity Theft and Actions Done.

Kung may naiisip kayo na content creator na gusto niyong imbitahin sa Hive pero nahihiya kayong kontakin leave nyo lang yung link ng FB nila at subukan natin silang i-pm.

Hangga't maari sana less than 1000 followers, kasi pag madami na masyado malamang sa malamang e hindi na talaga mabasa yung message.

Ayun lang!

P.S. Yung sa kontes di ko pa nasesend medyo busy lang sorna baka mamaya o bukas mapadala ko yung Hive

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center