Nagamit Din Ang Kanyang Talento

Magandang araw sa inyo Hiveans! Ako naman ay naririto upang magbahagi ng kwento na nararapat sa komunidad na ito #tagalogtrail. Habang kayo ay nagbabasa, ako ay umaasa na nasa mabuti kayong kalagayan, ligtas at walang sakit. Huwag sanang kalimutan na magdala ng payong dahil ang buwan ng Hulyo ay tag-ulan. Char! Nagpapa-alala po iyong hindi mahilig magdala ng payong kasi laging nakakalimutan saan-saan.

Picture1.jpg
Ang kwentong ito ay ukol sa pangyayari na naganap sa araw ng Linggo.

Akala ko walang mangyayaring kakaiba sa araw ng Linggo. Ito lamang isang ordinaryong araw na kakain, maghahive, at matutulog lang. Hanggang, habang ako ay nakatuka sa Hive, biglang tumawag ang aking ama.

Tinanong niya kung nasa bahay lang ba kami at walang gagawin dahil may gustong ipagawa daw ang ante ko na kapatid ng papa ko sa asawa ko dahil alam ng papa ko na may talento ang asawa sa bagay na gustong ipagawa ng ante ko.

Picture2.jpg
Ang bagay na ito ay ang pagset-up sa sound system na nasa bahay ng ante ko. Naisipan ng aking ama na humingi ng tulong sa aking asawa kasi alam ng aking ama na isa sa talento ng aking asawa ay ang pag-set up ng sound system. Sa bahay namin ay may naka set-up talaga na sound system at ang aking asawa ang lahat ng gumawa sa box at nag-set up. Dalawang barangay lang ang pagitan ng bahay namin sa bahay ng ante ko. Pwede lang itong lakarin sa mga taong masipag maglakad.

Tamang-tama ang pagtawag ng ama ko kasi kakatapos lang din naming kumain at wala na kaming gagawin pagkatapos kung hindi matulog.

Nagbihis lang kami ng pang-alis na damit at pumunta agad sa bahay ng ante ko.

Picture3.jpg
Pagdating namin sa bahay ng ante ko, ikniwento niya na ang ama ko at ang kaibigan ng ama ko ang unang tumingin sa sound system. Ang kaibigan ng papa ko ay electrician sa barangay. Ang gustong mangyari ng ante ko at ang kaniyang asawa ay gamit ang SMART TV ay kailangan ma-konekta ito sa amplifier nila. Madali lang sana kaso ang gamit ay mula pa sa ibang bansa na pinadala ng kaniyang anak. Itong gamit na ito ay hindi pamilyar sa mga tao na nakatira sa bahay at sa kaibigan ng ama ko. Hanggang sumuko na sila at ang asawa ko na daw ang bahala sa sound system.

Picture4.jpg
Agad namang tiningnan ng asawa ko ang mga gamit at nadiskobre niya na hindi akma ang gamit na wire na pang-konek sa SMART TV at sa amplifier. Para matapos ang gawain, pumunta kami sa palengke para bilhin ang dapat na wire at napakasuwerte ng ante ko kasi isa na lang ang natirang wire sa tindahan.

Picture5.jpg
Pagkatapos bilhin ang kailangang wire, bumalik agad kami sa bahay ng ante ko. Nag-set-up na agad ang asawa ko at natapos din niya.

Mabuti na rin at nagamit ang talento ng asawa ko at may ambag pala sa komunidad ang kanyang hilig.

Kung kayo ay nakarating sa parte na ito habang nagbabasa, ibig sabihin nakuha ko po ang inyong interest.

Maraming salamat sa pagbabasa. Sana nagustuhan mo ang aking blog ngayon. Huwag niyo pong kalimutan ang suporta sa pamamagitan ng pag-upvote, reblog at paglagay ng comment kung may gusto din kayong ibahagi at naka-relate po kayo sa aking blog ngayon.

May akda: Maureen S. O.
*Lahat ng larawan ay kuha mula sa phone ng asawa ko.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center