Kahit Umulan ng Ginto, Hindi na Ako Babalik Pa

Magandang araw sa inyong lahat Hiveans! Ako na naman po ay naririto sa komunidad na ito umaasa na mahasa ang aking pagsusulat ng tagalog.

May lugar ba kayong ayaw na ninyong balikan kahit umulan pa ng ginto?

Picture1.jpg
Noong ako ay nasa hayskul pa lamang at nagkataon na semana santa, nag-aya ang aking mga pinsan na pumunta sa bukid na ang pangalan ay Manaybanay. Ito ay isang sityo lamang at bahagi ng Barangay Maslog na isa sa barangay ng Tabogon. May ante kasi kami na nakatira rito. Ito ay kapatid ng aking ama. Kapag nagbabaksyon ang aking mga pinsan dito ay nagbibigay rin sila ng panahon na bumisita sa ante namin. At hayskul ako at that time noong una akong sumama sa kanila, kasama ang aking ama.

Excited na excited akong sumama kasi hindi ko pa napuntahan ang lugar na ito. Wala pa kaming sasakyan o motor man lamang. Ang ginawa namin, sumakay kami ng pampasaherong motor tapos ang destinasyon ay ang barangay Maslog. Hindi ko naman alam na hanggang provincial road lang pala ang motor at lalakad kami ng higit tatlong kilometro para makarating sa bahay ng ante ko.

Nasabi ko na sa mga post ko na hindi talaga ako mahilig maglakad ng mga malalayo, Madali akong mahirapan. Habang naglalakad ako, hingal na hingal ako. Nagtanong ang aking ama kong kaya ko pa ba? Sinabi ko naman na kakayanin ko pero sinabi ko talaga na hindi na ako babalik sa lugar na ito kahit umulan pa ng ginto. Tawang-tawa naman ang aking ama at aking mga pinsan sa sinabi ko.

Picture2.jpg

Pero, pagkatapos ko sa kolehiyo, niyaya na naman ako ng mga pinsan ko na pumunta sa bukid ng Manaybanay. Ayaw ko sanang sumama kasi hindi ko kaya may trauma na ako sa layo ng lalakarin. Kaya lang kinumbinsi nila ako na sa kabilang daan daw kami dadaan na mas malapit pa kumpara sa unang daan na dinaanan namin. Na-curious naman ako at ako ay sumama.

Kung ikukumpara ko naman ang unang daan at ang bagong dinaanan namin, mas pipiliin ko talaga ang huli. Parang isang kilometro lang ang lalakarin mo para makarating sa bahay ng ante ko. Iyon nga lang, manginginig ang aking mga paa kapag baba na galing sa bundok at kinakailangan ko ng kaagapay kapag bumaba na kasi kong wala ay gagapang talaga ako.

Kahit na nasa isang bayan lang ang Manaybanay, tatlo o apat na beses lang akong nakapunta sa lugar dahil hindi ko talaga hilig ang pag-akyat ng bundok. Siguro kung makadaan ang motor sa bundok, may pag-asa pa na taon-taon dahil laging nag-iimbita ang aking ante ng mga okasyon lalo na kapag pyesta.

Kaya nga huwag na lang po kayong mag-expect na may trekking post ako dahil kung mangyayari man iyan, siguro isang himala na po. Hahaha

Maraming salamat sa pagbabasa. Hanggang sa muli. Sana nagustuhan mo ang aking blog ngayon. Huwag niyo pong kalimutan ang suporta sa pamamagitan ng pag-upvote, reblog at paglagay ng comment kung may gusto din kayong ibahagi at naka-relate po kayo sa aking blog ngayon.

Sinulat ni: Maureen S. O
Mga larawan ay aking pagmamay-ari at edited sa PowerPoint

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center