Ang Larawan ang siyang Simula ng Lahat

Magandang araw, Hiveans! Ako na naman ay naririto upang magbahagi ng kwento sa komunidad na ito. Habang kayo ay nagbabasa, umaasa akon na nasa mabuti kayong kalagayan, lumalaban pa rin. Fighting!

Picture1.jpg
Ang larawan na iyong nakikita ay hindi nagkokompara sa timbang ko noon at ngayon. Hahaha, baka isipin niyo na ang unang larawan ay hindi pa uso ang unli rice at sa ikalawang larawan naman ay nasobraan yata sa unli rice. Ipagpalagay na lang natin na ang permanente sa mundo ay ang pagbabago, gaya ng nasa larawan sa itaas.

Sa dami-dami ng pagbabago sa mundong ito, idagdag mo pa ang presyo at curriculum ng ating edukasyon, ang hindi nagbago sa buhay ko ay ang tagakuha ng larawan ko simula ng kinuhuan niya ako ng larawan na makikita sa unang larawan na nasa itaas.

Ang unang larawan ay ang simula ng lahat. Nangyari ito noong ako ay may pinuntahan na gawain na bahagi ng aking trabaho. Nakisuyo ako sa aking asawa na ihatid niya ako sa lugar kasi hindi ako nakasama sa grupo dahil Linggo iyon at araw ng aking pagsisimba.

Pumayag naman siya dahil wala naman daw siyang gagawin sa araw na iyon. Sa byahe, napag-usapan namin ang pyer nang bayan ng Borbon kasi hindi pa ako nakapunta sa lugar na ito at lagi ko lang nakikita, kapag uuwi ako sa aming bayan.

Naisipan naman nang asawa ko na dumaan mo na sa pyer ng Borbon. Kinumbinsi ko siya na kunan ako nga larawan upang remembrance na nakatungtong ako sa lugar.

Sinong nakapagsasabi na ang pagkuha niya ng aking larawan sa pier ay siya pala ang simula. Maganda kasi ang pagkakuha niya, kaya kapag kami ay magkasama at gusto kong mag-pose sa lugar ay kinukumbinsi ko siya na kunan ako ng picture. Ang mga larawan sa itaas ay profile picture ko sa facebook at lahat ng profile picture ko ngayon sa facebook ay kuha lahat ng asawa ko.

Sa unang larawan ay hindi pa kami magkarelasyon ng asawa ko at ang ikalawa naman ay asawa ko na siya.

Nakakatawa lang isipin, na kung hindi sana ako kinunan ng larawan sa pier ay hindi sana siya ang tagakuha ng mga larawan ko ngayon.

Maraming salamat sa pagbabasa. Hanggang sa muli. Sana nagustuhan mo ang aking blog ngayon. Huwag niyo pong kalimutan ang suporta sa pamamagitan ng pag-upvote, reblog at paglagay ng comment kung may gusto din kayong ibahagi at naka-relate po kayo sa aking blog ngayon.

Sinulat ni: Maureen S. O
Mga larawan ay pagmamay-ari ng aking asawa at edited sa PowerPoint

maureen.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center