Mabuhay!
Libong tao ang kasalukuyang higit na apektado ng Pandemic na kinahaharap natin ngayon. Hindi lang sa kalusugang usapin ngunit pati sa pangkabuhayan...
Madaming kompanya ang naapektohan na nag resulta sa libong taong nawalan ng trabaho o nasa no-work-no-pay na sitwasyon. Maswerte ang mga may kakayanan na maitawid ang kanilang kalagayan o may natatanggap na suporta mula sa pamilya o kaibigan. Subalit madami rin ang mga walang inaasahan at mas nakakalungkot na karamihay sila rin ang natatanging sumusuporta sa mga naiwang pamilya sa ating bansa.
Dumaan din sa pamilya namin ang pagsubok ng Covid-19 at bilang pasasalamat sa pagbuti ng kalusugan ng aming mga mahal sa buhay, ninais naming makatulong sa mga higit na nangangailangan sa panahon ngayon. Hindi sapat ang aming kapital kaya minarapat naming unahin ang mga kakilala na nangangailangan...
Napagkasunduan naming mamahagi ng mga pangunahin at mabilisang pantawid gutom sa mga nangangailangan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumuhos ang bilang ng mga humihingi ng tulong at sa biyaya ng maylikha dumagsa rin ang tulong pinansyal mula sa aming mga pamilya at kaibigan... ❤️
Sa unang araw, nakapamahagi kami ng labing limang supot ng groceries...
Sa pangalawang araw, nakapaghatid kami ng tulong sa isang daang kababayan na nawalan ng trabaho mula Abril at nag-aantay nalang na pauwiin ng Pilipinas. Ngunit ang unang batch na makakaalis ay sa July pa.
Hindi inda ang init at pagod, sinuong namin ang disyerto... Kahit ang pag sunod at pagpapatigil sa amin ng mga otoridad ay hindi naging hadlang sa aming layuning makapaghatid ng ngiti sa ating mga kababayan...
Munting handog ngunitmalaking bagay para sa kanila...
Nakakalungkot ring isiping kahit bata ay apektado rin, sa kadahilanang nawalan ng pagkakakitaan ang mgamagulang at ulti pangunahing pangangailangan nila'y hindi maibigay.
Sapat ang inosenteng ngiti ng isang paslit para maibsan ang aming pagod.... 💕
Dahil sa dami ng may busilak at mabuting kalooban, napagpatuloy naming makapagbigay ngiti sa 9 pang tao... Nahirapan man kaming piliin kung sino ang maaabutan atalam naming lahat ay may pangangailangan, subalit kailangan naming piliin ang mga kababayan nating walang inaasahan...
Nakalikom uli kami ng sapat na halaga para makagawa ng 23 pa na packs nanapamahagi namin kahapon, Araw ng Kalayaan...
Dalangin namin na nawa'y mapalaya na ang sanlibutan sa Pandemic na ito upang makapagsimulang bumangon ang bawat isa. 🙏🙏🙏
At para po sa mga may mabuting kalooban na bukas pusong tumulong sa pamamagitan ng pinansyal at pangunahing pangangailangan para sa mga kababayan natin... Maraming Maraming Salamat po!
Ano mang halaga ay lubos ang aming pasasalamat, walang tumbas na salapi ang ngiti sa kanilang mga labi!
Bukas parin po kami sa mga nagnanais na makatulong... At kung kakaloobin, sana maipagpatuloy po namin ang pagbibigay ngiti sa ating mga kababayan. Ikagagalak po naming maging tulay ninyo para sa mga higit nangangailangan sa panahon ngayon...
Lubos pong nagpapasalamat... ♥️♥️♥️
God Bless Us All!