Magandang Buhay mga kapwa ko Pilipino☺☺☺
Samahan niyo ako sa aking pagbabalik tanaw sa mga galang aking naranasan noon. Sa aking pag gala may mga panahon na hindi maganda ang aking naging karanasan sa galang iyon, pero mapalad pa rin ako at sa kabila ng panget na karanasang iyon ay may maganda din naman naidudulot sa akin. Pero ngayon sa aking paglalathala ng mga alaalang iyon ay pawang mga masasaya lamang. Para naman maging inspirasyon ako sa inyong lahat sa pamamagitan ng aking mga gala.
Una nating puntahan ang "Sirao Garden" sa Cebu. Ito ang pinaka latest kung gala na tumatawid ng dagat. Sobrang napaka ganda ng lugar na ito. Makikita dito ang mga "fresh flowers" Maliban sa mga preskong bulaklak ginawan nila ito ng mga bagay na pwedeng mas makadagdag o agaw pansin sa nasabing lugar. Kaya naman hindi ko masisisi ang mga turista na balik balikan ito kahit na malayo ito sa syudad. Kung ako'y iyong tatanungin kung gugustuhin ko pa bang bumalik dito, ang sagot ko ay ou. Dahil marahil sa susunod na mga taon ay may bago na namang nagawa na lalong mag papaganda sa Sirao Garden.
Napakasayang karanasan na aking naranasan. OH siya hanggang dito na lamang. Sabayan niyo akong muli sa mga susunod ko pang pagbabalik tanaw. Mag iingat kayong palage. God Bless at Maraming salamat sa walang hanggang suporta na iyong ibinibigay sa akin araw-araw.☺☺☺
ang iyong lingkod,