GUNITA ni diosarich [Orihinal na Tula]

image.png

GUNITA


Sarap namnanamin mga araw ng tag-araw
Ang mga alon ay siyang tanging saksi
Kung saan tayo'y nagkatagpo at nag-ibigan
Sa romantikong lugar tayo ay nagkakilala
At bumuo ng ating mga pangarap para sa kinabukasan

Sa tagpuan kung saan pinagsaluhan ang kaligayahan
Puno ng pag-asa at mga pangako
Pangakong magmahalan habang buhay
Habang buhay at sumumpang di maghihiwalay
Dahil ang paghihiwalay ay nagdudulot ng sakit sa damdamin

Sa pag-ibig tandaan lagi
Hindi nababasa ang tunay na kulay
Maraming nilalalang ang mapagpanggap
Ikaw ay bubulagin ng kagandahang asal
Animo'y mga tupang maamo yun pala'y ulupong

Sa mundong punong-puno ng ilusyon
Lahat ng palingan ay makulay
Kapaligiran lahat ay mapanuksong alay
Matatamis na salita at pangungusap
Maghinay-hinay ng di matisod sa nakaabang na peligro

Sadyang ganyan ang pag-ibig
Kaakibat ang luha, pait at hinagpis
Ligaya, galak at tuwa ay katuwang din
Kasiyahan, kaligayahan at kalungkutan
Sa tamang lugar at damdamin ngunit maling nilalalang

Katulad ng blangkong pahina, isang sariwang pagsisimula
May mga panahon na ang sakit sa loob ay labis-labis
Lumuluhang kaluluwa at katawa'y tumanggi ng mabuhay
Nagdurugong puso at nangangatal na katawan
Pagsisimula ng buhay na tulad ng impeyerno

Sa pusong tinatahanan ng pait
Isang kaluluwang kasing lamig ng isang niyebe
Ang pusong wala ng linamnam na tamis sa mga alaala
Nakapahinga sa bagong buhay na naghihintay sa unahan
May aninag na ilaw sa mapanglaw na kapaligiran

Galit at poot ay huwag magtanim
Di pagkakaunawaan ay huwag patagalin
Pag-usapang mahinahon ang tampuhan
Dahil miminsan lamang matatagpuan
Pagibig na di magmamaliw

Original Na Tula ni @diosarich



☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆ ☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆

mylive pink signature diosarich.gif

☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆ ☆・:˜"°•ڰۣڿ♥ڰۣڿ•°"˜・:・゚☆


H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center