MGA DAPAT TANDAAN SA PAGBILI NG REFRIGERATOR


Sa modernong panahon ang pagkakaroon ng refrigerator sa bahay ay isa ng pangangailangan at hindi na kalayawan. Ang mga pagkain ating binili mula sa palengke ay kailangan mailgay sa refrigerator upang hindi masira. Marami ang benepisyo sa pagkakaroon ng maayos na palamigan sa bahay. Datapwa’t ito rin ang isa sa may pinakamataas na kunsumo sa kuryente o elektrisidad. Marami tayong dapat tandaan sa pagbili ng refrigerator.

Narito ang mga dapat nating tandaan sa pagbili ng refrigerator.

  1. Alamin ang tamang laki ng refrigerator na bibilhin mo ayon sa laki ng lugar na paglalagyan at dami ng taong gagamit. Kung maliit lang iyong bahay siguradong hindi mo kailangan ng malaking refrigerator dahil kakain ito ng malaking espasyo. Kung nag-iisa ka lang, mainam sa’yo ang maliit na refrigerator. Kung nagsisimula ka palang magkapamilya ang katamtamang laki ay maari. Kung malaki ang iyong bahay at marami din kayo sa pamilya ay pwede ang malaking refrigerator. Kelangan mo rin isaalangalang ang tagal ng pagpunta mo sa pamilihan. Kapag namamalengke ka araw araw kelangan mo lang ng katamtamang laki ng refrigerator ngunit kung linguhan ka mamili, kelangan mo ng mas malaki upang meron kang mainam sa paglalagyan ng iyong mga pinamili.

  2. Ang kunsumo sa kuryente ay nakasalalay sa uri ng refrigerator na bibilhin mo.

    a. Direct Cooling - ito ay ang sinaunang klase ng refrigerator na lumalamig dahil ang cooling elements ay nakadikit sa aluminum freezer wall ng refrigerator. Ang parte ng bagay o pagkain na nakadikit sa freezer wall ang unang nagyeyelo. Ang lamig na nanggagaling sa freezer ay bumababa para palamigin ang iba pang laman. Ang yelo ay kumakapal sa paligid ng freezer wall. Napagkakamalian na mas magandang magyelo dahil sa yelo nito sa freezer wall ngunit hindi yun ang batayan ng tamang paglamig. Kailangan mong magdefrost upang mawala ang makapal na yelo. Ang ganitong uri ng refrigerator ay mas mura ang presyo.

Kumakapal ang yelo sa freezer wall dahil ang mainit na hangin ay pumapasok at ang moisture na dala nito ay didikit sa wall at magyeyelo. Tandaan po natin kapag nagbukas tayo ating refrigerator, ang malamig na hangin ay lalabas at ang mainit ay papasok. Kung ayaw mo ng palagiang magdefrost ng iyong refrigerator, hindi para sa iyo ang direct cooling ref.

b. No Frost - ito ay isa sa mga makapagong teknolohiya sa ating panahon. Ang lamig ay ibinubuga na nagmumula cooling fan o blower. Ang malamig na hangin ay umiikot sa loob ng refrigerator at freezer. Hinahanap ng malamig na hangin ang nasa loob nito na mataas ang temperature. Mas mabilis itong magpatigas o magpayelo ng bagay na nasa loob nito. Ang malamig na hangin ay karaniwang nagpapatigas sa likidong bahagi ng bagay na inilagay sa refrigerator. Halimbawa, naglagay ka ng karne, ang likido ng karne ang pinatitigas ng malamig na hangin na umiikot sa loob ng refrigerator. Hindi kumakapal ang yelo nito sa freezer wall dahil wala dito ang bagay na nagpapalamig sa freezer. Meron itong sensor sa loob na nagbabantay ng temperature sa loob ng refrigerator upang gumana ang compressor kapag tumaas na ang temperature sa loob. 

Hindi mo kailangan magdefrost dahil sa makapal na yelo ng freezer. Kailangan mo lang linisin ito isang beses kada buwan upang huwag mangamoy. Mas mataas ang presyo ng refrigerator na ito kumpara sa Direct Cooling dahil mas marami ang mga dagdag na katangian ang tinataglay nito.

c. No Frost Inverter - ito ang pinakabago sa tatlo. Ang lamig ay imiikot sa loob ng refrigerator at freezer. No Frost ito kaya pareho lang ng gamit tulad ng nabanggit sa itaas. Ang pagkakaiba lang ay ang compressor o motor nito. Meron din itong sensor na nagmonitor ng kabuoang temperatura sa loob ng refrigerator. Ang inverter motor nito ay nagmementina ng mas mababang daloy ng kuryente kapag naabot na ang tamang temperatura sa loob ng refrigerator. Mas matahimik ang motor, mas matipid sa kuryente at mas matibay. Mas mahal ang presyo ng inverter refrigerator kumpara sa dalawang nauna ngunit sa matagalang paggamit nito mas makatitipid ka sa kuryente dito. Mas sulit ka dito pagtagal.  
  1. Pumili ng may anti-bacteria o pamatay bakteria upang maiwasan ang pagkakaroon ng amoy. Ang amoy ay hindi nangagaling sa pagkain kundi sa bacteria na namumuo sa pagkain kaya ito bumabaho. Kapag may anti-bacteria hindi mo na kailangan maglagay ng uling sa iyong refrigerator.

  2. Siguruhin na may hiwalay na lalagyan ng gulay na may moisture control upang mapanatili ang gulay at prutas na sariwa. Kapag may tamang moisture ang gulay hindi agad ang mga ito malalanta at mapananatili ang sustansya ng mga ito. May mga refrigerator na may hiwalay talagang lalagyan ng gulay at prutas.

  3. Depende sa inyong pangangailangan, may mga refrigerator na may sliding compartment upang mas maging madali ang pagkuha ng pagkain. Piliin ang pinakakelangan nyo. Marami sa mga compartment ng refrigerator ay plastic na karaniwang ikinatatakot ng marami dahil baka mabasag o baka di kayanin ang bigat ng laman ng refrigerator. Alalahanin po natin na ang mga plastic compartment na ito ay dumaan sa mga testing kaya nakasisiguro tayo na kaya nitong gampanan ang kanyang function.

  4. Upang mas lalong makatipid sa kuryente, hanapin ang refrigerator na gumagamit ng LED lamp. Ito ay mas maliwanag at mas mababa ang kunsumo sa kuryente.

  5. Ang pagkakaroon ng gulong ay mas ideal upang mas madali mong mailipat ang pwesto ang iyong refrigerator kapag kinakailangan. Mas madali linisin ang labas nito kapag kinakailang dahil maigagalaw mo ito.

  6. Huwag matakot kung ang gilid ng ref mo ay umiinit. Natural po ito. May heat tube po talagang nakalagay sa gilid ng ref upang maiwasan ang pagpapawis. Ang refrigerator ay tulad ng isang baso na may yelo sa loob. Kapag walang heating element sa gilid, ang moisture sa hangin ay didikit sa gilid ng refrigerator. Kapag nababasa ang gilid nito dahil sa pawis ito ay pagsisimulan ng kalawang. Kung napansin ninyo na sobrang init ng gilid nito, itawag ninyo agad sa service center upang macheck nila ito.

  7. Piliin ang refrigerator na may mataas na EER rating. Makikita ito sa dilaw na tag na nakalagay dito. Tingnan mo rin ang power consumption ng refrigerator at ikumpara sa iba upang malaman kung alin ang may mataas na kunsumo sa kuryente. Kung bibili ka ng malaking refrigerator tulad ng side-by-side refrigerator, asahan mo na mataas ang kunsumo nito sa kuryenta.

  8. Kung walang kasamang patungan ang ref na nabili mo, kelangan kang bumili nito upang tumagal ang ilalaim ng ref mo laban sa rust, corrosion o pagkakaroon ng kalawang.

  9. Pumili ng kilalang Brand upang makasiguro ka na matibay, maasahan at mapagkakatiwalaan ang kalidad ng iyong nabiling refrigerator at siguruhin na may service center na malapit sa inyo ito.

  10. Huwag ka lang maging kampante sa katangian ng iyong refrigerator napili, isaisip mo rin ang warranty nito. Alamin kung ilang taon ang manufactuer’s warranty sa parts at service. Alamin mo rin kung ilang taong ang warranty sa compressor. Piliin mo yung may mas matagay na warranty upang makasiguro ka.

Sa pamamagitan ng mga ito ay maari kang makabili ng maayos na refrigerator na magagamit sa mahabang panahon. Ang refrigerator ay magagamit natin ng 5 hangang 10 taon. Kapag lumampas dito ay bonus na yun. Kapag umabot na ang refrigerator mo ng lampas 15 taon, alamin mon a ang kunsumo nito sa kuryente mo, baka tumataas na dahil dito.

Sana makatulong ang mga tips na ito sa inyo. Salamat po sa pagdalaw sa website na ito.

REf1.png


This article and video are also posted in my blogsite APLYANSES. I made this video using movavi editor. Voice over is mine. Video clips and images came from vidnami.com.


This was written and spoken in Filipino language. Still I dedicate this to the following people who continue to support me. I dedicate this to @pilipino, @logic, @surpassinggoogle, @threespeak, @theycallmedan, @appreciator, @upmewhale, @qurator, @ocd, and @curie.

line.png

Your Blog Owl,

Follow Me:
FACEBOOKYOUTBETWITTERWEBSITELINKS3speak
Facebook YouTube Twitter AplyansesMY LINKS3speak

line.png

You Can Now Join Hive. Click Here


▶️ 3Speak

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center