Naglagay po ako ng isang artikulo dito sa hive na pinamagatang "Ang Dahilan Ng Dios Sa Pagbibigay Ng Buhay". Ngayon po ay ginawan ko po ito ng isang bidyo(video) para mas magustuhan ninyo ang nilalaman ng aking artikulong isinulat ko sa Tagalog.
Kung gusto ninyo itong basahin ay pwede po. Ilalagay ko po ang link sa ilalim nito. Ako po ay umaasa na inyong panonoorin ng buo ang bidyo na ito. Makatutulong po ito sa nakararami dahil makapagmumulat ito ng mga kaisipan kung gaano kahalaga ang buhay na meron tayo.
Marami sa panahon natin ngayon ang nakararanas ng mga dipresyon at hirap ng kalooban kaya minsan ay humahantong sa pagkitil ng sariling buhay. Ito ay dahil sa hindi pagkaalam na ang kanyang buhay ay napakahalaga, hindi lang sa kanyang sarili, lalong lalo na sa Dios.
Sa bidyo na ito ay inilalarawan kung gaano kahalaga sa Dios ang buhay ng bawat tao. Sa bawat pagkakataon tayo ay Kanyang kinakalinga at minamalasakit. Hindi lang natin namamalayan ang bagay na ito dahil abala tayo sa mga panglupang gawain at hindi pinapahalagahan ang pagkalinga ng may lalang sa atin.
Dapat lamang nating pahalagahan ang ating buhay dahil ang Dios ang unang nagmamalasakit sa atin. Kung mahirap ang iyong buhay sa mundong ito, mapalad ka dahil sa kabilang buhay ikaw ay aaliwin. Matuto tayong magpahalaga sa ating buhay na pinahahalgahan ng Dios na sa atin ay lumalang.
Ang mga kahirapan na dumarating sa ating buhay ay patunay na may Dios upang malaman mo na may kasama ka sa iyong paghihirap. Tulad ni Pablo ng siya ay papunta sa Roma upang siya ay makipagkita kay Cesar. Nakasalunga sila ng bagyo, ngunit iniligtas sila ng Dios.
Salamat po sa inyong panonoon. Narito po sa ibaba ang artikulong aking isinulat.
Read here: Ang Dahilan Ng Dios Sa Pagbibigay Ng Buhay
The picture above is mine.
YOUTBE | WEBSITE | LINKS | |||
---|---|---|---|---|---|
YouTube | Aplyanses | MY LINKS |
▶️ 3Speak