Ikaw ang natatanging saranggola : Isang tula

image
Photo Credit

Hinding hindi ka na makakawala,
Patuloy kong panghahawakan ang lubid na nasa pagitan natin.
Kahit na pilit kang itaboy ng nagraragasang hangin,
Na maaring maging banta na ang lubid ay putulin.

At kahit pa bumuhos ang napakalakas na ulan,
Maaasahan mo ko at ako'y darating kahit anong pasan,
Hanggang sa makita ang abong kulay ng karimlan.

Aantayin ko muli ang pagtilaok ng manok,
Dahil ito, ito ang magsasabi na may bagong pag-asa at umaga nanamang sisikat.
Na liliwanag pang muli ang kalangitan kasama ang mga magagandang ulap,
At ang pagkakataon na hahayaan kitang lumipad hanggang sa dulo ng kalawakan.
Dahil kampante ako na matibay ang lubid na ating pinanghahawakan
Kahit na ika'y malayo at di man lang mahawakan.

Sana ganun ka rin,
Na kahit napakalayo mo sa piling ko,
Alam mong may isang "AKO" na kumakapit parin sayo.
Natatakot nga ako,
Takot na takot ag baka isang araw maputol ang lubid na pinagtibay ng ating pag-ibig.

Takot ako at baka makita kitang unti-unting naglalakad papalayo
At hinding hindi ka na maaabot ng dalawa kong kamay,
Hindi na mahahabol ng mga paa kong handang handa kung tumakbo.

At ngayon malaya ka na nga,
Malaya ka na mula sa pagkakasakal ng aking mga kapit.
Napakarami na sanang pagkakataon na tayo'y maging iisa muli,
Ngunit si ko kayang makita ka sa iba oh aking natatanging saranggola.
Sana alagaan ka kung sino man ang iyong mapili at mas matibay ang kanyang lubid,
Mas nanaisin kong may mag ari sayo na iba kesa sa makita kang bumabagsak sa gitna ng iyong mga pangarap na unti-unting nalulunod sa pagkalutang mo.
Hindi ka na makakawala dito,
Hindi ka na makakawala,
Hindi na aking munting saranggola.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center