May Isang Araw

May isang araw akong naghahanap ng kaluwagan,
ng mga bagay na sadyang hindi angkop sa aking ginagalawan,
higit ko sanang makikita ito kung sa ating pagitan ay
kumibo ka man lamang, tila ang hidwang iyo'y sanglibutan
ang lawak, wala man lang akong paraan na makita iyon,
bukod tanging pagninilay lamang ang namamagitan sa akin
at sa bagay na iyon, higit ko itong pinag-ibayuhang malaman
saan ko hahanapin ang namuong pagitang iyon.

space
SOURCE

At kung babalikan ko ang daang iyon ay tila unti-unti na itong
nagsasara sa pagitan ng ngayon at nakaraan, kaya tanong ko muli,
"nasaan ka sa pagitang iyon?" Umiinog ang mundo ng bawat
sinuman sa mundong ating ginagalawan ngunit magkakaiba ang
bawat manipestasyong nangyayari sa ating buhay ano mang uri
ka o ano mang estado ang kinabibilangan ng bawat tao, hindi
natitigil ang pag-inog ng mundo hanggang sa mabanaag
natin na minsan may isang araw may iba tayong ginagalawan.

IWRITE.jpg

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center