"Napapatanong Sa Sarili", A Filipino Poetry

"Napapatanong Sa Sarili"

Lagi akong nagtataka sa'yo
Ano nga ba kaya ang nagustuhan mo
Ang mukha ko ba o ang ugali ?
Dahil iba kasi ang titig nila sa akin

'Di ba ako bagay para sa'yo ?
O nagseselos sila dahil ako'y iyo
Ano man tingin nila basta't sa huli
Ako ang inibig , minahal at pinili

Napapatanong nga lang sa sarili
Anong meron sa akin na ika'y nabighani
Alam ko na nahulog ka pala sa akin
Sa mga kulitan at mapang-akit kong tingin

Hanggang ngayong napapatanong parin
'Di kasi inakala na ako'y mamahalin
Isa lang kasi akong simpleng tao
Ngayong isa ng espesyal na tao sa buhay mo

Sa susunod na naman mga ka Steemian.Sana'y na gustuhan ninyo ang gawa ko. Maraming Salamat !

Photocredits 1 2

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center