Mahahalagang Aral Na Natutunan Ko Sa Aking Mga Magulang

Again, my apologies to my non-Pilipino followers. This post is for Pinoys (Filipinos from the Philippines). I wish I can translate it so you may share in the humor but I'm afraid it will not have the same effect. Meanwhile, for those who can understand, I hope you enjoy this post. This was sent to me by my friend Sammy many many moons ago but I still smile everytime I read it.

  1. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
    Sabi nya, "Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

    misnssx7iu.png

  2. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
    Sabi niya, "Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

  3. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
    Ang sabi nya, "Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

  4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC.
    Sinabi nya, "Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng sine."

  5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
    Sabi nya, "Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

  6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
    Sinabi nya, "Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!"

  7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
    Sabi nya sa akin, "Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!"

  8. At si Inay naman ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
    Sabi nya, "Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

  9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
    "Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

  10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
    Sabi nya, "Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!"

  11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
    Lagi nyang sinasabi, "Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!"

  12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
    Sabi nya, "Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

  13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
    Madalas sabi nya, "Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

  14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING.
    Sabi nya, "Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

  15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
    Sabi nya, "Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!"

  16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
    Sabi nya, "Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"

Meron pa ba kayong ibang aral na natutunan sa mga magulang nyo na hindi ko nabanggit? Share naman sa comments below. Sana napasaya ko kayo kahit konti. Salamat sa pagbisita sa aking hamak na blog.

(All images courtesy of Pixabay)

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center