Ang buhay sa Probinsiya

image

Mabuhay #steemians: Unang una po magandang araw sa inyong lahat. Ako po ay magkukuwento sa inyo ngayon tungkol sa buhay sa probinsiya. Ang larawan po sa itaas ay galing po sa aking tiyahin na nagbakasyon sa Bacolod(The City of smile). Kung ako po ang tatanungin sa ngayon ay gustong gusto ko mamuhay sa probinsiya dahil bukod sa sariwa ang hangin at walang polusyon, ang ganda pang tingnan ng hardin. Kagaya na lang sa larawan ng aking tiyahin sa itaas na nakaupo sa hardin. Ang ganda ng paligid kahit simple pero makulay naman. Munting bahay kubo na napapalibutan ng mga bulaklak na siyang dahilan upang ang mga dayuhan o bisita ay mapapalingon sa taglay na kagandahan sa paligid. Mas gusto ko ang ganitong paligid dahil pakiramdam ko parang walang problemang dinadaranas ang nakatira dito. Hindi kagaya sa siyudad na punong puno na ng sasakyan ang mga pangunahing kalsada na siyang dahilan ng maraming usok na sumisira sa hangin na ating malalanghap na kalaunan ay magdudulot ng sakit sa atin. Ito ang gusto kong pamumuhay kapag ako ay magdedesisyon na umuwi sa aking lupang sinilangan ang Pilipinas.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center